3 bata sa Probinsyano na pinag-aaral ni Coco nakatanggap ng reward | Bandera

3 bata sa Probinsyano na pinag-aaral ni Coco nakatanggap ng reward

Reggee Bonoan |February 24,2020
facebook
share this

3 bata sa Probinsyano na pinag-aaral ni Coco nakatanggap ng reward

Reggee Bonoan - February 24, 2020 - 12:25 AM

KAYA mahigpit si Coco Martin bilang direktor ng FPJ’s Ang Probinsyano ay para walang nasasayang na oras. Gusto niya kasing matapos sila kaagad para makauwi at makapagpahinga nang maaga.

Kuwento sa amin, kapag 7 a.m. ang call time ay 7 p.m. o 8 p.m. ay tapos na dapat sila kapag day effect pero kapag night effect naman, 7 p.m. ang call time hanggang 6 o 7 a.m. at nang sa ganu’n ay mahaba ang pahinga ng bawa’t isa lalo na ang mga taga-production na laging nahuhuling umuwi pagkatapos ng taping.

Ang mga batang aktor na kasama sa Probinsyano na sina Shantel Crislyn Ngujo bilang Ligaya Dungalo; Rhian Ramos as Dang Ignacio at James Sagarin sa papel na Paquito Alvarado ay apat na oras lang sa taping dahil bukod sa ito ang utos ng DOLE ay pinag-aaral din sila ni Coco simula noong nadiskubre sila ng aktor.

Tuwang-tuwa ang tatlong bagets dahil sa tuwing natatapos ang semester ay ipinakikita nila kay Kuya Coco nila ang kanilang report cards at lagi silang may rewards para pagbutihin lalo ang kanilang pag-aaral.

Sa isang video clip na na-post sa social media ay pinuntahan nina Ligaya, Dang at Paquito ang kuya Coco nila habang nagpapahinga sa kanyang tent at ipinakita ang kanilang report cards pati na rin ang binili nilang mga rubber shoes bilang premyo.

Binigyan sila ng aktor ng pera para sila na ang pumili ng gusto nila at pare-parehong rubber shoes ang kanilang binili. Abut-abot naman ang pasalamat ng tatlo sa kanilang idolo.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit pinangungunahan ni Coco ang pagsuporta sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN dahil hindi lang para sa sarili’t pamilya niya kundi para sa lahat ng empleyado at artistang mawawalan ng trabaho lalo na ang mga batang nagsisimula palang bumuo ng future nila tulad nina Ligaya, Dang at Paquito.

Anyway, patuloy pa ring namamayagpag ang FPJ’s Ang Probinsyano, sa loob ng mahigit na apat na taon ay hindi pa rin natitinag sa ratings game.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending