Jillian, Elijah, Althea sumabak sa TBATS acting challenge; 2 pedicab driver nabiktima ni Mikael
HASHTAG #LOL (laugh out loud) na naman tiyak ang magaganap sa episode tonight ng top-rating weekly comedy show ng GMA, ang The Boobay And Tekla Show!
Ngayong gabi, abangan ang cast ng Kapuso daytime drama na Prima Donnas sa isang pasabog na segment – ang improv comedy challenge! Dito, ipakikita nina Elijah Alejo, Althea Ablan at Jillian Ward ang kanilang galing sa pag-arte kasama ang laging trending na comic duo na sina Boobay and Super Tekla.
Before the improv, the trio will open the show by dancing to the Billboard hit, “Señorita” by Camilla Cabello and Shawn Mendez.
Sa bagong TBATS segment namang “Censored Tweets,” makakasama ang Bubble Ganger at Kapuso hunk na si Jak Roberto. Babasahin ng aktor ang ilan sa mga naughtiest tweets ng netizens tungkol sa kanya. He will also challenge members of the audience to a sexy dance showdown.
Samantala, dalawang pedicab drivers ang mabibiktima sa favorite n’yong hidden camera portion na “Pranking in Tandem” kasama ang TBATS celebrity accomplice na si Mikael Daez. Alamin kung paano nag-react ang mga PIT victims sa nakakalokang gimik ni Mikael.
Kaya kung gusto n’yong tumawa nang tumawa, huwag palalampasin ang episode tonight ng The Boobay And Tekla Show after Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA 7 lang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.