Singer-actress buong buhay nagtrabaho para sa pamilya, walang reklamo
HABAMPANAHONG naging pasan-krus ng isang pamosong female personality ang kanyang buong pamilya. Literal siyang kalabaw na isinuga sa bukid para magtrabaho.
Pero wala siyang reklamo. Mahal niya kasi ang kanyang trabaho, mahal niya ang kanyang pamilya, kaya kahit kaunting reklamo ay walang maririnig mula sa kanya.
Pero paminsan-minsan, kapag nakikita niyang malayang nakalalabas ang kanyang mga kasamahan kapag libre ang mga ito sa pagtatrabaho ay umiiral din naman ang pagiging normal niyang tao.
Kuwento ng aming source, “Matagal namin siyang nakatrabaho, wala kaming masasabi sa kanya, napakabait niya. Sobrang masunurin siyang anak!
“Lumalabas ang mga kaibigan niya, pero hindi siya nakakasama, kasi nga, e, ayaw ng mommy niya. Puyat daw ang kalaban ng boses, hindi raw makagaganda ‘yun sa voice niya, hindi na lang kumikibo ang girl.
“Maraming bawal sa kanya, hindi nga niya na-enjoy ang pagiging teenager niya, e. Manonood siya ng sine, kailangang kasama niya ang mga kapatid niya.
“Hindi siya pinapayagang mga kaibigan ang kasama niya, mahirap na raw, dahil baka may inirereto nang lalaki sa kanya ang mga friends niya!
“Nakakaawa ang batang ‘yun, habampanahon lang siyang nagtatrabaho, wala siyang hinahawakang datung, allowance basis lang siya!
“Kung may magpapagawa man ng monumento para sa isang dakilang anak, e, hindi na nila kailangan pang maghanap, nand’yan na ang female personality na ibinigay na nang buung-buo ang buhay niya para sa kapakanan ng pamilya nila!” napakadiing kuwento ng aming impormante.
Minsan ay nagkuwento ang pamosong babaeng personalidad sa isang childhood friend niya. Isang-isa lang ang kanyang tanong. Ano raw ba ang ibig sabihin ng freedom?
Kuwento ng aming source, “Napaiyak ang friend niya that time, kasi nga, kitang-kita niya na talagang walang kalayaan ang girl. Kapag walang show, kailangan pa rin niyang mag-rehearse.
“Kailangan niyang matulog lang nang matulog dahil ‘yun ang kailangan ng boses niya. Nakakaawa naman talaga siya. Saradung-sarado ang isip ng mismong mga taong dapat magmahal sa kanya,” pagtatapos ng aming source.
Bigay na bigay na, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, wala nang clue, kilalang-kilala n’yo kung sino ang martyr na anak na ito!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.