Dennis 3 ang asawa sa 'Legal Wives' ng GMA 7 | Bandera

Dennis 3 ang asawa sa ‘Legal Wives’ ng GMA 7

Jun Nardo |February 22,2020
facebook
share this

Dennis 3 ang asawa sa ‘Legal Wives’ ng GMA 7

Jun Nardo - February 22, 2020 - 12:30 AM

MEGAN YOUNG, BIANCA UMALI, DENNIS TRILLO AT ALICE DIXSON

Tungkol sa modern Muslim family ang kuwento ng bagong Kapuso series ni Dennis Trillo na may working title na Legal Wives.

Aba, hindi lang isa o dalawa ang leading ladies ng GMA Drama King kungdi tatlo, huh! Makakasama niya rito sina Alice Dixson, Megan Young at Bianca Umali! Kasali rin sa serye sina Cherie Gil, Shayne Sava, Abdul Rahma, Bernard Palanca, Kevin Santos at Al Tantay.

Kung tama kami, allowed sa batas ng Muslim ang pagkakaroon ng asawang babae hanggang apat.

“Parang wala pang nasu-showcase tungkol sa marital relationships legally ng isang modern Muslim family kaya dito sa show na ito makikita nilang lahat ‘yun kung ano ang mangyayar, kung paano ba nag-function as a unit ‘yung iba’t ibang legal wives,” sey ni Dennis sa interview sa kanya.

“Para sa akin interesting ‘yun kasi parang wala pang na-shu-showcase tungkol sa mga marital relations legally ng isang modern Muslim family kaya dito sa show na ito makikita nilang lahat ‘yun kung ano ‘yung nangyayari.

“Kung paano ba nag-fa-function as a unit ‘yung iba’t ibang legal na wives. Excited na akong simulan na ‘yun at mapanood ‘yun ng ating mga Kapuso,” kuwento pa ni Dennis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending