Brgy. chair nagbenta ng baril, nakipagbarilan, patay | Bandera

Brgy. chair nagbenta ng baril, nakipagbarilan, patay

John Roson - February 20, 2020 - 06:53 PM

(Photos courtesy of Surigao City PNP)

PATAY ang isang barangay chairman nang makipagbarilan sa mga alagad ng batas na nakahuli sa kanyang nagbebenta ng baril sa likod ng police station sa Surigao City, Huwebes ng hapon.

Nakilala ang napatay bilang si Reneboy Aquino, 41, residente’t chairman ng Brgy. Balibayon, sabi ni Lt. Col. Christian Rafols, hepe ng Surigao City Police.

(Photos courtesy of Surigao City PNP)

Bago ito, nagsagawa ang intelligence operatives ng buy-bust operation laban sa isang taong iligal na nagbebenta ng baril, sa Amat st., Purok Million, Brgy. Taft, dakong ala-1.

Inayos ang transaksyon sa pamamagitan lang ng text at di pa noon alam ng mga operatiba na si Aquino ang nagbebenta, sabi ni Rafols sa isang pulong-balitaan na inere sa social media.

Dadakpin na sana si Aquino nang tanggapin niya ang buy-bust money, pero napansin niya ang mga palapit na pulis kaya sinubukang paputukan ang mga ito, ani Rafols.

(Photos courtesy of Surigao City PNP)

Di pumutok ang baril kaya muli itong ikinasa at itinutok ni Aquino, dahilan para paputukan ng mga operatiba, aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nasamsam kay Aquino ang isang kalibre-.45 pistola na may bala pa sa chamber, magazine na may apat pang bala, isang granada, at ang P1,000 papel at pekeng P9,000 cash na ginamit sa buy-bust.

Kinumpiska rin sa kanya ang dalawang cellphone, motorsiklo, at wallet na may mga identification card.

(Photos courtesy of Surigao City PNP)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending