Loisa: Hindi ako perpekto, nagkakamali rin ako | Bandera

Loisa: Hindi ako perpekto, nagkakamali rin ako

|February 20,2020
facebook
share this

Loisa: Hindi ako perpekto, nagkakamali rin ako

- February 20, 2020 - 12:01 AM

LOISA ANDALIO

“HINDI ako perpektong tao, nagkakamali rin po ako.” Yan ang diretsong pag-amin ng Kapamilya young actress na si Loisa Andalio tungkol sa kinasangkutan niyang video scandal last year.

Ayon sa dalaga, dahil sa nasabing iskandalo muntik na siyang sumuko lalo na noong panahong grabe na ang panghuhusga sa kanya ng mga tao na parang isang kriminal.

“Ngayon, masasabi ko na natuto ako. Bumabangon ako, nakabangon ako. Dahil po iyon sa mga taong nagmamahal sa akin sa paligid ko. Hindi po ako perpektong tao.

Nagkakamali din po ako. Ang mahalaga sa akin, natuto ako, bumangon ako, lumaban ako. Tuloy ang buhay,” pahayag ng aktres sa panayam ng “Tonight with Boy Abunda.”

Mangiyak-ngiyak na sinabi ni Loisa na proud siya sa kanyang sarili dahil nakaya niyang lagpasan ang nasabing pagsubok, “Masasabi ko sa kaniya na proud ako sa kaniya, dahil kinaya niya ‘yung sakit, kinaya niya ‘yung panghuhusga. Gusto kong sabihin na, ‘Proud ako, kasi hindi ka sumuko, kinaya mo.’”

“Sa totoo, ang daming pumasok sa isip ko na, ‘Ayoko na, pagod na ako.’ Hindi ko na kaya ‘yung masasakit na binibigay sa akin ng mga tao, lalo’t hindi naman nila alam,” dagdag pa ng dalaga.

Bukod sa kanyang pamilya, pinasalamatan din niya ang kanyang boyfriend na si Ronnie Alonte, “Siya po ‘yung isa sa dahilan kung bakit naging mas matapang ako lumaban.’”

Payo niya sa mga taong dumadaan ngayon sa mga pagsubok, huwag daw basta susuko at huwag na huwag kalimutan ang magdasal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending