DINAKIP ng mga pulis ang isang dating commander ng New People’s Army, sa Angeles City, Pampanga, Martes ng umaga.
Inaresto si Rodolfo Canda Salas alias “Commander Bilog” sa kanyang bahay sa Mountainview Subd., Brgy. Balibago, dakong alas-5:50, ayon sa ulat ng PNP.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Manila Regional Trial Court Branch 32 noong August 28, 2019 para sa 29 bilang ng murder.
Nag-ugat ang kaso sa tinaguriang “Inopacan massacre,” o ang umano’y pagpatay ng NPA sa mga kasapi nitong hinihinalang may kaunayan sa mga awtoridad, noong dekada 80.
Natagpuan ang mga umano’y labi ng mga biktima sa isang mass grave na nadiskubre sa Inopacan, Leyte, noong 2006.
Nang isagawa ang pag-aresto ay nakuhaan ang 72-anyos na si Salas ng kalibre-.45 pistola, dalawang magazine, 174 sari-saring bala, ayon sa PNP.
Nakatakdang iharap si Salas sa korteng nag-isyu ng warrant, at hinahandaan ng karagdagang kasong paglabag sa Comprehensive
Law on Firearms and Ammunition.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.