Ate Guy sa mga Batangueño: Marami pang tutulong sa inyo | Bandera

Ate Guy sa mga Batangueño: Marami pang tutulong sa inyo

Bandera - February 16, 2020 - 12:15 AM

NORA AUNOR

KAHIT na umuulan, sumugod pa rin ang Superstar na si Nora Aunor sa ilang bahagi ng Agoncillo, Batangas para mamigay ng relief goods sa mga tagaroon.

Naikuwento ni Ate Guy ang naging experience niya kasama ang ilang Noranians sa pamimigay ng tulong sa mga Batangueño na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabangon matapos pumutok ang bulkang Taal.

Ibang-iba raw ang feeling at naramdamang kaligayahan ni Ate Guy nang makita niya at maabutan ng tulong ang mga biktima ng Taal eruption. At kahit nga malakas ang ulan ay dedma ang mga Noranians, talagang itinuloy pa rin nila ang pamamahagi ng relief goods.

Sa nakaraang presscon ng bagong serye ng Superstar sa GMA, ang TV remake ng classic movie niyang “Bilangin Ang Bituin Sa Langit”, naikuwento nga niya ang pagtungo nila sa Agoncillo.

“Yung una kasing pinuntahan namin, medyo maraming tao, so nagpunta kami talaga sa bayan-bayan. Talagang inisa-isa namin ang mga bahay-bahay, at talagang marami ng bahay na wala nang tao, wala nang nakatira,” lahad ng award-winning veteran actress.

“Ako’y natutuwa dahil sa kahit na umuulan, ang mga tao talaga kahit paano. Gusto ko pasalamatan muna yung NoW, Noranians Worldwide, kasi sila talaga yung nagpagod, nag-pack nu’ng mga ipinamigay du’n sa mga tao.

“Kaya talagang bukas ang loob ko sa pagsama sa kanila para mamigay. Kaya sa lahat ng mga kababayan natin diyan, huwag po kayo mawawalan ng pag-asa sapagkat marami hong tao ang tutulong sa inyo.

“Hindi lamang kami. Hindi lamang ang ibang artista, kundi marami pong mga tao na talagang may maganda ang puso na tutulong sa inyo,” sabi pa ng Superstar.

Samantala, magsisimula na sa Lunes ang Bilangin ang Bituin sa Langit sa Feb. 24 sa GMA Afternoon Prime. Kasama rin dito sina Mylene Dizon, Kyline Alcantara, Zoren Legaspi, Gabby Eigenmann, Ina Feleo, Yasser Marta, Isabel Rivas, Divina Valencia, Ricky Davao, Dante Rivero at Candy Pangilinan, sa direksiyon ni Laurice Guillen.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending