outbrain

Sawsawerong male celeb feeling matalino: Nakakahiya na siya!

By Cristy Fermin February 15,2020
share this

Sawsawerong male celeb feeling matalino: Nakakahiya na siya!

By Cristy Fermin February 15,2020
share this

AKALA siguro ng isang pamosong male personality ay tumatalab sa publiko ang kanyang pagpapakalalim. Walang kaalam-alam ang lalaking ito na habang sawsaw siya nang sawsaw sa maraming isyu ay pinagtatawanan naman siya ng mga kababayan nating nag-iisip.

Sa mga umpukan ay palagi siyang nagiging paksa, nega ang dating niya sa mas nakararami, dahil parang pinalalabas niya na alam niya ang lahat.

Sa isang malakihang umpukan ay isang miron ang nagkomento, “Ano ‘yun? Trip-trip lang? Kung ano ang trip niya today, ‘yun ang ipino-post niya?

“Hindi ba niya nararamdaman na wala namang naniniwala na matalino siya kundi mapagpanggap lang? Nagpapakalalim siya, puro pagmamahal sa bayan ang palagi niyang idinidiin, e, kapos naman siya sa aksiyon!” umpisang chika ng aming impormante.

Abalang-abala na naman ngayon ang male personality sa pakikisawsaw sa isang malaking kontrobersiyang bumabalot sa isang istasyon.

Marami na naman siyang komento, nagpapaliwanag siya tungkol sa batas, hindi ‘yun nagugustuhan ng mas nakararami.

Patuloy ng aming source, “Nakakahiya ang stand niya! Nakakahiya ang mga pinagsasasabi niya! Wala bang pinakikinggan ang taong ‘yun? Wala bang nagpapayo sa kanya na tumigil na sa kasasawsaw niya na wala namang malinaw na pinupuntahan?

“Nakakaloka siya, parang gusto niyang ipagbanduhan na alam niya ang lahat, lalo na ang kasaysayan, pero ang totoo, e, kinokopya lang naman niya sa mga librong binabasa niya ang mga kuda niya sa social media.

“Pa-profound ang male personality na ‘yun, nagpapakamatalino kuno siya, pero ang totoo, e, wala naman siyang paninindigan!

“Tantanan na niya ang pakikihalo sa mga isyung pangmatalino lang, kulang na kulang siya sa ganu’ng opinyunan, mababaw siya, sa totoo lang!” naiinis na pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, mga ‘tol, kilala n’yo kung sino ang madyepal na male personality na ito!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending