outbrain

K Brosas pinagmumura ng basher: Ano bang gusto mo, sapakan o demandahan?!

By Alex Brosas February 14,2020
share this

K Brosas pinagmumura ng basher: Ano bang gusto mo, sapakan o demandahan?!

By Alex Brosas February 14,2020
share this

K BROSAS

NAPIKON si K Brosas sa isang basher dahil sa pambabastos nito sa kanya kaya nag-react ang singer-comedienne.

Posting the basher’s comment against her, ito ang caption ni K sa kanyang IG post: “Dear @honeybless2008 … dahil below the belt mga hanas mo kahit nakiusap nako na sana wag sana matalas o bastos mga comments kahit opinion mo pa at karapatan nyan eh.. tinodo mo (kulang pa yang mga comments).

“Di kapa na kuntento At nag DM kapa? Nung sinagot kita bigla kang kumalma tapos galit uli? Anyareeee? Sensya na po sa mga followers ko, pero may mga mura na at pambabastos na di ko kinaya kaya ko to post at sya din naman nagsabi na ok lang daw.

“I know, I know, wag na dapat patulan pero may limit din pasensya ko syet.. lalo na kung nakiusap kana.. pls, pwede naman tayo mag AGREE TO DISAGREE respectfully.. again sensya na uli kung patola ako now ha.”

Walang takot na sumagot ang basher and said, “Yan lang kaya mo Kbrosas?”

Kumasa naman si K who replied, “@honeybless2008 Ano ba gusto mo tehh? Sapakan? Lol.. O demandahan? Ano po ba kaya mo?”

Nakakuha ng kakampi si K kay Pokwang who defended her from the basher.

“Hello po mam @honeybless2008 according po sa inyong bio ikaw po ay isang happiestgurl tama? hindi po gawain ng isang masayang tao ang manakit po ng kapwa sa mga salita po.

“Marami po akong kaibigan na muslim at sobrang taas po respeto ko sa kanila sana po wag nyo naman ganyanin ang kaibigan kong si @kbrosas kung hindi nyo sya gusto paki unfollow nyo nalang mas lalo ka pong magiging masaya promise,” say ni Pokwang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending