10 Biñan facts you should know | Bandera

10 Biñan facts you should know

- February 14, 2020 - 12:15 AM

1. February 3 ipinagdiriwang ang Biñan Liberation Day kung saan pinalaya ng mga tropa ni Emmanuel de Ocampo ang syudad sa pananakop ng hapon.
2. Ang simbahan ng San Isidro ay ang eksaktong lugar kung sa nagtayo ng krus ang dalawang Spanish missionaries noong 1571 at nagtanghal ng Thanksgiving Mass.
3. Puto Biñan ang kakaibang delicacy na ipinagmamalaki ng syudad. Naging opisyal na meryenda ng mga atleta nang maging host ang Biñan City sa 2019 SEA Games football.
4. February 2, 2010 ang araw kung kailan iginawad ang cityhood ng Biñan sa ilalim ng Republic Act 9740.
5. Ang pangalang Biñan ay pinaniniwalaang nanggaling sa salitang “binyagan”. Tinawag kasi ang syudad na ito noong panahon ng mga Espanyol na Parochia de San Isidro de Biñan.
6. Matapos mag-aral sa Calamba, sa Biñan nagpatuloy ng pag-aaral si Jose Rizal.
7. Kapag tiningnan mo sa mapa, ang syudad ng Biñan ay kahugis ng numero 7.
8. Ang heritage site na Mansyon ng Mga Alberto, na naging pagmamay-ari ng tiyuhin ni Rizal ay tinatayang pinakamatandang bahay na bato noong ika-anim na siglo. Ilang makasaysayang mga pangyayari ang naganap dito kabilang na ang pagbisita ng gobernador ng Hong Kong sa Biñan.
9. Sikat ang barangay Malaban at Dela Paz dahil sa produkto nilang mga sapatos at tsinelas habang sa Barangay Platero mo makikita ang gumagawa ng sumbrero na mga pangunahing trade goods ng lungsod.
10. Isa ang Biñan sa mga unang nagtayo ng rebulto ni Rizal. Sa katunayan, sa Biñan ang second tallest monument sa Pilipinas bago mag-2010 o bago magpatayo ang Calamba ng mas malaking monumento ni Rizal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending