UPANG matiyak ang patuloy na pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng mga Pilipinong manggagawa, muling magpapatuloy sa labor laws compliance inspection ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga pribadong establisimento sa buong bansa.
Sa inilabas na Administrative Order No. 27, Series of 2020, nag-isyu si Labor Secretary Silvestre Bello III ng general authority para sa lahat ng regional offices upang maipagpatuloy ang pagsasagawa ng mga inspeksyon sa lugar na kanilang nasasakupan.
Ang bansa ay mayroong higit sa 900,000 pribadong establisimento na dumadaan sa regular na labor inspection.
Ang mga labor inspectors (LIs) na siyang nagsasagawa ng mga inspeksyon ay dapat na matiyak ang pagsunod ng mga pribadong kumpanya sa general labor standards, tulad ng tamang pagbabayad ng sahod tuwing holiday, overtime pay, implementasyon ng minimum wage law, remittance ng mga social benefit sa kanilang mga manggagawa at iba pa.
Kabilang rin sa inspeksyon ang pagsunod ng mga kumpanya sa health at safety standards.
Noong Setyembre 2019, nakapag-inspeksyon na ang DOLE sa kabuuang 57,514 establisimento na sumasaklaw sa 2.3 milyong manggagawa.
Karamihan establisimento na dumaan sa inspeksyon ay nasa kategorya ng negosyong wholesale at retail, accommodation, at food service, at administrative support at iba pang serbisyo.
May kaakibat na parusa sa mga mapapatunayang lumabag sa batas paggawa
Noong Disyembre 2019, pansamantalang sinuspinde ng DOLE ang pagsasagawa ng mga aktibidad sa inspeksyon upang magkaroon ng panahon ang departamento na maisaayos ang lahat ng mga pending na kaso ng labor standards at makapaghanda para sa mga programa ng inspeksyon para sa 2020.
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.