Ai Ai gusto uling magpakasal sa Holy Land; Hiling kay Lord natupad | Bandera

Ai Ai gusto uling magpakasal sa Holy Land; Hiling kay Lord natupad

Ervin Santiago |February 12,2020
facebook
share this

Ai Ai gusto uling magpakasal sa Holy Land; Hiling kay Lord natupad

Ervin Santiago - February 12, 2020 - 06:40 PM

GERALD SIBAYAN AT AI AI DELAS ALAS

GUSTO uling “magpakasal” ng Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas sa Cana, Israel.

Kung mabibigyan ng pagkakataon, nais mag-renew ng kanyang wedding vows kasama ang asawang si Gerald Sibayan sa Holy Land. Walong taon na ang nakararaan nang huling magpunta roon ang komedyana para sa isang Holy Land pilgrimage.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Ai Ai ng kanyang plano para doon gawin ang muling pagpapalitan nila ng “I do” ni Gerald.

“8 years ago na pala ako nanggaling sa JERUSALEM ( bansa ni LORD) kasama ko ang aking bestfriend na pari father allan samonte @fr.dads napagod na kami ng kakalakad kaya kumain sya ng tsitsirya ako naman kahit malamig kumakain ng ice cream ( sarap na miss ko mag ice cream),” caption ni Ai Ai sa litrato nila ni Fr. Allan Samonte.

Pagpapatuloy pa ng Kapuso comedienne, “2021 pag allow ni lord babalik ako dito at kasama ko na si darl .. kasi sa church kung saan ginawa yung wedding of cana nag pray ako dun sabi ko lord pag balik ko dito kasama ko na ang lalaking bigay mo saken (kasi pwede kayong mag renew ng wedding vows nyo dun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending