Sikreto ng matatag na relasyon ng Kathniel: Give and take talaga | Bandera

Sikreto ng matatag na relasyon ng Kathniel: Give and take talaga

Ervin Santiago |February 12,2020
facebook
share this

Sikreto ng matatag na relasyon ng Kathniel: Give and take talaga

Ervin Santiago - February 12, 2020 - 06:28 PM

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

KUNG may isang young couple sa showbiz na pinaniniwalaang sa kasalan din mauuwi, ‘yan ay walang iba kundi ang magdyowang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Marami nang mga magka-loveteam na naging magdyowa sa tunay na buhay ang naghiwalay din matapos ang ilang taong relasyon pero ang KathNiel ay nananatili pa ring matibay at matatag.

Sa isang panayam, natanong sina DJ at Kath kung ano ang sikreto ng kanilang maayos at tahimik na pagsasama bilang lovers in real life.

“Pinipili maging matibay. Parati naman ‘yun yung choice, gusto namin pareho magtagal, gusto mag-work. Kasi kung may isa namang ayaw na hindi pwedeng isa lang so two-way siya parati,” pahayag ni Kathryn.

Um-agree naman ni Daniel sa sinabi ng kanyang girlfriend, “Give and take siya, ganu’n talaga. Nandoon ‘yung growth. We have to realize din kung para saan, hindi ka pwede magdamot kaya nga siya partnership ‘di ba? Love team ‘di ba? ‘Wag natin kalimutan ‘yung team.”

Kasabay nito, nagpasalamat din si Daniel sa lahat ng mga taong sumusuporta sa kanila ni Kathryn, lalo na ang kanilang mga magulang na hindi nagkukulang magbigay ng payo sa kanila.

“Kami ni Kathryn talagang swerte lang kami at may mga tao na naggabay sa amin,” pahayag pa ng binata.

Para naman sa lahat ng KathNiel fans, tuloy na tuloy na ang reunion movie ng KathNiel, ang “After Forever” under Star Cinema na ididirek ni Cathy Garcia-Molina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending