Deadly coronavirus mula China pinangalanan ng WHO bilang ‘COVID-19’
INIHAYAG ng World Health Organization (WHO) na “COVID-19” ang opisyal na pangalan ng nakamamatay na virus mula China, na nagbibigay matinding banta sa buong mundo, bagamat may makatotohanang paraan para mapigil ito.
“We now have a name for the disease and it’s COVID-19,” sabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus.
Idinagdag ni Tedros na nirereprenta ng ‘co’ ang ‘corona’, ‘vi’ para sa ‘virus’ at ‘d’ para sa ‘disease’, samantalang ’19’ para sa taon matapos naman itong unang pumutok noong 2019.
Sa kasalukuyan, nakapatay na ang virus ng mahigit 1,000 pasyente, mahigit 42,000 na ang nahawaan sa tinatayang 25 na bansa, dahilan para magdeklara ang WHO ng global global health emergency.
“Viruses can have more powerful consequences than any terrorist action,” sabi ni Tedros.
May kabuuang 400 scientist ang lumalahok sa dalawang araw na international meeting sa Geneva para repasuhin kung paano ito naipapasa at ang posibleng vaccine para labanan ito.
“We are not defenceless,” dagdag Tedros. “If we invest now… we have a realistic chance of stopping this outbreak.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.