Gabby pang-asar; mas pinalala pa ang away nina Sharon at KC | Bandera

Gabby pang-asar; mas pinalala pa ang away nina Sharon at KC

Cristy Fermin |February 12,2020
facebook
share this

Gabby pang-asar; mas pinalala pa ang away nina Sharon at KC

Cristy Fermin - February 12, 2020 - 12:55 AM

KC AT GABBY CONCEPCION AT SHARON CUNETA

Dahil sa mga ipino-post sa social media ngayon ni Gabby Concepcion, may pinatatamaan man siya o wala, ay naba-bash ang aktor.

Kung wala man siyang pinariringgan sa kanyang mga inilalabas na makahulugang quotations ay hindi naman maikakaila na mga tagasuporta ng kanyang dating misis na si Sharon Cuneta ang nambubulabog sa kanya ngayon sa social media.

Ang kanilang komento, sa halip na pababawin daw ng aktor ang samaan ng loob ngayon ng mag-inang Sharon at KC ay parang mas pinalalalim pa niya, sa halip na tubig ang isaboy ng aktor ay gas pa raw ang kanyang ipinangdidilig sa sigalutan ng mag-ina.

Kung sinuman kasi ang kanyang pinatatamaan ay siguradong aaray dahil ayon sa kanyang quotation ay hindi dapat binibigyan ng pansin ang mga taong nanggugulo lang ng buhay ng may buhay.

Hindi rin daw dapat pinapansin ang mga taong hindi marunong tumanggap ng pagkakamali at gustong maging prayoridad ng kanyang kapwa pero hindi naman marunong magbalik ng pagmamahal.

Natural, nagagalit sa kanya ang mga kampi sa kanyang ex, kinukunsinti raw niya si KC, samantalang ang kanilang anak ang may malaking pagkukulang kay Sharon.

Sa isang panahong bagsak na bagsak ang emosyon ng anak, lalo na kung ang mismong ina nito ang kanyang kakontra, ay natural lang naman sigurong damayan ng tatay ang nalulungkot niyang supling.

Pero tama rin naman ang punto ng mga pumapansin kay Gabby Concepcion, kailangang paliwanag ang kanyang ibigay, hindi pagkampi nang lantaran.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending