'Mahihirapan na si Kris na makahanap ng bagong dyowa' | Bandera

‘Mahihirapan na si Kris na makahanap ng bagong dyowa’

ban, Cristy Fermin |February 10,2020
facebook
share this

‘Mahihirapan na si Kris na makahanap ng bagong dyowa’

ban, Cristy Fermin - February 10, 2020 - 12:10 AM

BIRTHDAY na ni Kris Aquino sa February 14. Ipinanganak siya sa mismong Araw Ng Mga Puso. Pero hindi maligaya ang kanyang puso.

Sa kanyang mga anak at kapamilya lang humuhugot ng kaligayahan ang aktres-TV host dahil mailap sa kanya ang lalaking magbibigay talaga sa kanya ng kaligayahan.

Maraming beses na siyang nagtangka, pero palagi siyang bigo, mabuti na lang at may naiwang alaala sa kanya ang pakikipagrelasyon kina Joshua at Bimby na balon ng kanyang kaligayahan ngayon bilang ina.

Mahirap makahanap ng magiging karelasyon si Kris dahil sa kanyang estado. Mula siya sa angkan ng mayaman, sikat pa siya, kailangang halos kaestado rin niya ang magtatangkang makuha ang kanyang pagmamahal.

Sabi nga ni prop sa minsang pagkukuwentuhan namin, “Hindi talaga ibibigay sa isang tao lang ang lahat-lahat ng biyaya. Sikat si Kris, milyonarya, pero may kulang sa kanya!

“Tapos, pinoproblema pa niya ngayon ang health niya, malaki na ang nauubos niya sa pagpapagamot, pero hindi pa rin siya totally magaling.

“Balanse pa rin ang kapalaran. Maraming hindi sikat at mahirap, pero ang sasaya nila,” pabuntong-hingingang komento ni prop.

Oo nga naman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending