Maymay nadulas sa tunay na relasyon nila ni Edward? | Bandera

Maymay nadulas sa tunay na relasyon nila ni Edward?

|February 10,2020
facebook
share this

Maymay nadulas sa tunay na relasyon nila ni Edward?

- February 10, 2020 - 12:01 AM

Maraming MayWard fans ang naniniwala na may mutual understanding na sina Maymay Entrata at Edward Barber.

Naghihintay lang ng tamang panahon ang magka-loveteam para aminin sa buong universe na nauwi na nga sa totohanan ang kanilang pagiging special friends na nagsimula sa Pinoy Big Brother: Lucky Season 7 noong 2017.

Sabi ng ilang MayWard supporters, tila nadulas pa nga si Maymay sa tunay na estado ng relasyon nila ni Edward nang tanungin ni Robi Domingo sa iWant ASAP kung may mga pagkakataon na nagkakatampuhan din sila.

“Lagi po kaming nag-aaway pero ang importante du’n ay kami pa rin,” sagot naman ni Maymay. Ang agad na naisip ng mga manonood sa “kami pa rin” statement ni Maymay ay talagang may namamagitan na sa kanila ng binata.

Pero sa isang interview sa dalaga, sinabi niya na ang matatag na friendship nila ni Edward ang kanyang tinutukoy.

“Ang ibig sabihin noon: okay kami. Hindi ‘yon ibig sabihin na kami na kami. Itong si Kuya Robi kasi tanong nang tanong, siyempre ma-ano ka talaga…magugulat, malilito,” pahayag ng dalaga.

At sa tanong kung anong label na ba ng relasyon nila ni Edward, “Best friends forever!”
Very soon ay mapapanood na ang upcoming teleserye ng MayWard sa ABS-CBN, ang Heart to Heart.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending