'Bukol' ni Alden sa mirror selfie pinulutan ng mga beki | Bandera

‘Bukol’ ni Alden sa mirror selfie pinulutan ng mga beki

Cristy Fermin - February 07, 2020 - 12:49 AM

BINULABOG ni Alden Richards ang buong bayan nu’ng Miyerkules nang lumantad ang hubad niyang pang-itaas na katawan na nagbabando ng kanyang six packs.

Du’n pa lang ay marami nang natakam sa kanyang kahubaran, pero there’s more pa pala, may pasantol si mayor!

At hindi lang daw ‘yun pasantol kundi pakaimito at pa-mangosteen pa! Nakakaloka ang reaksiyong nasaksihan namin nang magkumpulan ang mga becki ng TV5 bago nagsimula ang aming programa.

Kilig na kilig sila, isang anak-anakan pa namin ang nagkomento, “Tama ang desisyon kong kanin na lang ang ibaon ko, hindi na ako nagbaon ng ulam, dahil heto na ang napaka-yummy kong ulam!” sabay turo sa hubad na si Alden sa kanyang IG account.

‘Yun ang naging resulta ng pagsasakripisyo ng Pambansang Bae, kahit kulang pa siya sa tulog ay nagdyi-gym pa rin siya, nakuha niya ang kanyang pinapangarap na anim na suson ng abs.

Tinawagan namin si Alden, una muna ay binati namin siya sa napakahusay niyang pagganap sa The Gift nang marinig niya ang rebelasyon ni Jean Garcia na ito ang tunay niyang ina sa kuwento ng serye, puso niya ang nagtawid ng mahusay niyang pag-arte.

Isinunod namin agad ang pagbabalita sa kanya kung paano pinagpipistahan ng mga kababaihan at kabekihan ang kanyang IG post.

Tawa nang tawa ang sikat na actor-singer, ang kanyang sabi sa papuri ng kanyang mga tagahanga, “Pakisabi po, maraming salamat! Minsan-minsan lang po ‘yan!”

Ipinakausap din namin siya sa aming partner na si Romel Chika na matagal nang hangang-hanga sa kanya, hindi na mapakali si Romel pagkatapos ng kanilang pag-uusap, buung-buo na raw ang kanyang maghapon.

Ang pasantol ni mayor, bow!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending