'Virus Serye' ni Julia Montes konektado nga ba sa corona? | Bandera

‘Virus Serye’ ni Julia Montes konektado nga ba sa corona?

Reggee Bonoan - February 07, 2020 - 12:56 AM

 

 

Speaking of Joross Gamboa, kasama rin siya sa 24/7 na gaganap bilang karelasyon ni Julia Montes. May anak sila sa kuwento at naghiwalay dahil may babae siya, si Melissa Ricks.

Ayon sa aktor, excited siyang gawin ang 24/7 dahil nga reunion nila ito nila ni Melissa na nakasama niya noon sa talent search na Star Cirlce Quest.

“Napapanahon nga ‘yung kuwento kasi about virus kaya lagi kaming naka-mask sa taping tapos sa ospital pa ang eksena. Nagkataon lang na ganito ang kuwento hindi naman ito ginawa para takutin ang audience.

Maganda rin kasi reunion project namin ito nina Melissa, si Matt Evans, si Joem Bascon, kami ni Julia na magkakatrabaho na kami before kaya magiging madali ito para sa aming lahat lalo na kay Julia,” kuwento ng aktor.

Mahigit isang taong napahinga sa harap ng camera si Julia kaya tinanong si Joross kung kumusta ang aktres sa pagbabalik ng aktres.

“Sobrang, parang tuluy-tuloy lang ‘yung pag-arte niya, parang wala naman (bakasyon), hindi naman siya nag-adjust. Naging madali lang para sa lahat, siyempre si direk Manny Palo pa ‘yung direktor kaya okay lahat,” say ni Joross.

Ngayong Pebrero na ang airing ng 24/7 sa ABS-CBN handog ng Dreamscape Entertainment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending