Maja tatanggi sa proyekto kung kasama sina Gerald at Kim | Bandera

Maja tatanggi sa proyekto kung kasama sina Gerald at Kim

Julie Bonifacio |February 05,2020
facebook
share this

Maja tatanggi sa proyekto kung kasama sina Gerald at Kim

Julie Bonifacio - February 05, 2020 - 01:00 AM

MAJA SALVADOR, SARAH GERONIMO AT MATTEO GUIDICELLI

APAW pa rin ang saya ni Maja Salvador sa tuwing binabati siya sa success ng huling teleserye niya sa ABS-CBN, ang The Killer Bride.

At hindi pa man nakaka-get over ang publiko sa TKB, may bagong proyekto agad na inalok sa kanya ang Kapamilya network.

“May pinitch sa akin na movie the other day. Hopefully, kapag tinanggap ng aking makakasama e, magtuluy-tuloy, yes. Pero hindi siya guy (ang makakasama niya). Hindi ako magbibigay ng hint kasi nga syempre, wala pa,” kwento ni Maja after ng fashion show ng Guitar Apparel kung saan siya ang solo female celebrity endorser.

Kaya grateful si Maja sa magandang pasok sa kanya ng 2020.

Umpisa pa lang ng taon, grabe na ang blessing na bumuhos sa kanya, “Like, itong renewal ng Guitar. So, magdadalawang taon na ako sa kanila. Sabi ko, tamang-tama kasi ang Guitar, ang similarity nga namin parehas na basic, simple lang,” pahayag ni Maja.

Last year, Maja joined the league of the other accomplished and diverse artists representing Guitar namely Gloc 9, Carlos Agassi and Jake Cuenca. Inilunsad ang nasabing brand noong 1960 by the late Mr. Choa Bengtong.

Ang launch ni Maja as celebrity endorser marked the birth of Guitar’s first ever denim series collection.

And speaking of The Killer Bride, si Maja ang “itinuturo” bilang promotor ng pagkaka-link sa co-stars niya sa serye na sina Janella Salvador at Joshua Garcia.

Binansagan din si Maja bilang matchmaker ng dalawa. Pero sabi ng dalaga nagsaya lang daw sila nu’ng thanksgiving party ng The Killer Bride.

“So, kung may lumabas na mga video ng ano, syempre mauunahan ng malisya. At lahat naman friends. Alam mo naman yung dalawa, fan ako nu’ng dalawa. Kasi, in fairness ang lalim talaga ng friendship na kahit ano’ng tukso mo, talagang wala. Yung party namin, siguro alam nilang maghihiwalay na, so, may extra sweetness,” depensa niya.

Pero dahil daw sa extra sweetness nina Joshua at Janella kaya sila in-unfollow sila ni Julia Barretto sa Instagram, “Hindi ko alam,” sabay iling ni Maja.

Personally, boto ba siya kay Joshua para kay Janella? “Oo naman,” mabilis na sagot ni Maja. “(As) loveteam, oo. Dahil, parehas may chemistry.”

Sa nalalapit na celebration ng Valentine’s Day, inalam namin kay Maja kung ano ang plano nila ng boyfriend niyang si Rambo Nuñez.

“Mag-iibigan pa lalo,” ngiti ni Maja. “Ang date namin ay sa kasal ng best friend niya. Sa Feb 14, meron kaming wedding na pupuntahan,” aniya.

Tiniyak ni Maja na hindi nila wedding ‘yun ni Rambo, “Hindi ko wedding yun. Hayaan mo, kung totoong wedding ko yun, kung sakali man, invited ka.”

Ready na ba siya mag-settle down with Rambo? “Hindi ko kasi pwedeng…ang precious kasi ng mga tanong na ‘yan, so, pag sinagot ko kayo diretso, parang mawawalan na yung moment na yun if ever, sakaling magustuhang itanong ni Rambo. Kaya sini-save ko po yun.”

Pero promise ni Maja, isi-share niya raw yun sa public, “Yeah, ipatatawag ko ang madlang pipol. Ha-hahaha! “

Tinanong naman namin si Maja sa reaksyon niya sa nalalapit na wedding ni Sarah Geronimo at ex-boyfriend niyang si Matteo Guidicelli.

“Super happy ako, for ate Sarah lalo kasi, katulad na naman niyan, ang tagal na nating prinsesa. Hinahangad na natin na maging masayang-masaya siya, and finally, heto na,” sagot ng Dance Royalty.

Kung iimbitahan, pupunta kaya si Maja sa wedding nina Sarah at Matteo? “Hindi pa kami nagkikita ni ate Sarah ulit. Pero siyempre naman, doon na tayo sa katotohanan.”

Anyway, we also asked her if open ba siya to work with Gerald Anderson na naging boyfriend din niya noon, wala naman daw problema sa kanya.

Sila pala ang original choice na magbida sa pelikula nina Maine Mendoza at Carlo Aquino na “Isa Pa With Feelings” pero nagkaroon nga ng problema kaya hindi na natuloy.

Once pa lang daw sila nagkatrabaho ni Gerald sa isang Christmas special. Pero sa posibilidad na gumawa siya ng project with Gerald kasama si Kim Chui, pumalag na si Maja.

“Hindi ko po ilalaggay ang sarili ko sa isang posisyon na pagpipiyestahan ninyong lahat. Ha-hahaha! Parang, bilang ikaw, alam mo kung paano alagaan ang sarili mo. So, isa-isa lang!” lahad pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ganern.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending