Sharon may pa-tribute kay Angel; pero minasama ng fans ni KC
MINASAMA at ninega ng ilang bashers ang “pa-tribute” ni Megastar Sharon Cuneta para sa Kapamilya actress na si Angel Locsin.
Sa kanyang Instagram, nag-post ng madamdaming mensahe si Sharon para kay Angel kalakip ang isang throwback photo nila na magkasama.
Kuha ito sa isang commercial shoot ni Angel para sa kilalang fast food chain 15 years ago.
Caption ni Mega sa kanyang IG post, “This was taken in 2005 or 2006. Angel was still Darna on GMA7. I was shooting my McDonald’a commercial with Kakie who was so obsessed with Darna then.” Ang tinutukoy niya ang kanyang anak na si Frankie Pangilinan.
Pagpapatuloy pa ni Sharon, “Lemme tell you about this woman. Kahit nasaan siya sa laki ng ABS-CBN, pag nalaman niyang nandun din ako somewhere in the complex, pupuntahan niya ako kahit gaano kalayo para lang mag-‘hello’. During the finale of the last ABS-CBN Christmas Special, magkakasama kami nila Angelica Panganiban at Ogie sa likod habang nauna na lahat halos ng ibang
Kapamilya stars. (Tawa ako ng tawa kasi ayaw namin sumabay sa sobrang gandang si Liza Siberano.
“Mauna na o mahuli siya kasi para siyang lagpas pa sa Miss Universe sa ganda!) Nung nasa stage na kami, ayaw ni Angel na dun lang ako sa likod. Sabi ko okay lang, nakakahiya naman dumaan pa sa gitna ng ibang stars doon para lang mapunta sa harap. Ayaw niya! Dapat daw doon ako! So hinila niya talaga ako at nilusot niya talaga kaming dalawa sa lahat ng mga artistang nasa long stage hanggang madala niya ako sa harap,” aniya pa.
“Napakabuti ng batang ito. Paano mo naman di mamahalin? She didn’t have to do it but she did anyway, forgetting that she is THE Angel Locsin. Maraming salamat sa respeto, Angel. Love kita!” dagdag pa niya.
Narito naman ang reply ni Angel sa kanya, “Ikaw po ang MEGA STAR namin! Grabe, starstrucked 100%. Naalala ko po nagaabang po ako sa labas ng ‘Eat Bulaga para lang po makita kayo! Pero binaba nyo po yung bintana ng kotse nyo para mag ‘hi!’, tapos namatay na po ako sa kilig!”
“Thank you so much po for being a wonderful example para po sa amin sa industry,” sey pa ni Angel.
May mga followers si Sharon na nagsabing tila isa na naman itong pambu-bully at pang-iinis sa anak niyang si KC matapos itong makipagkita sa kanyang amang si Gabby Concepcion.
Comment ng isang netizen, “Parang may pnaparinggan talaga eh ang tagal nang picture yan ngayon lng nya pinopost na may gap cla ni kc, tama na mega kng ayw mong lalong lumala ang sitwasyon. pinamukha mo lng sa mga tao na ang sama ni kc.”
“Bakit kelangan in public mo pa ang tampo mo kay kc kawawa naman sya. Your my Idol ever since i can remember but this is too much you keep on posting pictures like this para ipa mukha kay kc na shes not a good daughter i think hindi yata tama po kawawa naman sya……to @itskcconcepcion just remain silent kace i know you still love your mom and u respect her kaya u stay tahimik lang i love both of you forever sharon and kc ako,” pahayag naman ng isa pa.
Ipinagtanggol naman si Mega ng kanyang mga Sharonians.
Komento ni @szasza0828, “Don’t judge a person without full understanding of the situation. A common expression of appreciation or a simple return of kindness is natural.”
Sey naman ni @pinkz4672, “People are very insensitive.You don’t know how she feels?!?? Be a mother first then you’d understand if it is she feel about her daughter.Besides It’s her account,IGNORE THEN PAG ME TIME! She can say whatever she want to say and post it.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.