Horoscope, Feb. 4, 2020 | Bandera

Horoscope, Feb. 4, 2020

Madam Sophia |February 04,2020
facebook
share this

Horoscope, Feb. 4, 2020

Madam Sophia - February 04, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Bigla ang dating ng suwerte sa pag-ibig at sa pinansyal. Anomang magandang kapalaran ang dumating, hawakan mong mahigpit dahil kapag umarte-arte ka pa, parang bula bigla rin itong mawawala. Markahan ang 1, 19, 28, 38, 40 at 48. Markahan ang yellow at blue.
Aries – (Marso 21-April 19)- Sa pinansiyal, hindi dapat guluhin ang isipan sa mga problemang hindi pa naman dumarating. Kapag payapa ang isip mas maraming suwerteng bubuhos, ganon din naman lovelife, kapag payapa ang damdamin mas masarap na romansa ang mararanasan. Markahan ang 3, 18, 27, 31, 42 at 48. Pink at orange ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)-Kailangan patawarin ang mga taong nagkasala sa iyo. Kapag marunong kang magpatawad, mas maraming biyaya ang matatanggap. Sa lovelife, isang nilalang na naka-kulay red ang may lihim sa iyong pagtingin. Markahan ang 9, 18, 24, 33, at 42. Green at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)- Sa pagbabago at dagdag na inobasyon, mas maraming salapi ang kikitain. Sa lovelife, bagong romansa ang kailangang matuklasan, upang uminit ng husto ang relasyon habang lumalamig ng lumalamig ang panahon. Markahan ang 5, 14, 22, 28, 39 at 43. Purple at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)-Simulan mo na ngangyong mangarap na yumaman. Bukas ang bintana ng langit at anumang iyong hilingin ay tiyak na ipagkakaloob. Sa lovelife, ang pinapangarap na ligaya ay unti-unti na ring makakamit. Markahan ang 3, 18, 27, 36, 42 at 49. Blue at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)- Iwasang makasakit ng damdamin. Lalo kang susuwertehin kung may lambing at pagmamahal ang diskarteng ipatutupad. Sa lovelife, painitin ang minamahal, i-kiss mo siya sa leeg at pagkatapos ay sa labi. Markahan ang 1, 10, 28, 27, 34, at 48. Orange at green ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)- Ito ang tamang panahon upang daigin ang iba. Ituloy ang balak na negosyong may kaugnayan sa modernong teknolohiya at pagkain. Sa lovelife panahon na upang muling pag-alabin ang relasyon, kahit malamig sabay kayong maligo ng kasuyo. Markahan ang 4, 15, 28, 34, 38 at 43. Red at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)-Kung muli kang magpapaganda, mas madaling maaakit ang suwerte. Sa lovelife, kung maliligo kang lagi, matutukso na naman ang kasuyo na ikaw ay romansahin. Markahan ang 6, 15, 24, 30, 38, at 49. Violet at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)-Nasa sarili pagsisikap ang ikauunlad. Wag umasa sa ibang tao. Sa sariling diskarte mas madali kang aasenso at yayaman. Sa lovelife, ang pagtatampo ng kasuyo ay panandalian lamang. Markahan ang 8, 16, 25, 29, 34, at 43. Maroon at pink ang mapalad.
Sagittarius – (November 22 – December 21)-Wag mag-alala, nasa mabuting kalagayan ang minamahal. Imbis na guluhin ang isip sa pag-aalala at pagkabahala, mag-concentrate sa mga bagay na pagkakakitaan. Markahan ang 6, 15, 21, 29, 33 at 45. Red at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)-Wag masyadong maging mahilig sa pagkain, upang hindi tumaba. Mentras sexy kang tingnan mas maraming salapi ang kikitain. Sa lovelife, iwasang maging chubby upang hindi iwanan ng minamahal. Markahan ang 8, 15, 24, 33, 42, at 40. Pink at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)-Wag mong masyadong intindihin ang mga prolema dahil lilipas din yan. At paglumipas na ang iyong mga problema, natural na batas ng kalikasan na maraming suwerte at magagandang kapalaran naman ang kasunod. Markahan ang 7, 23, 32, 41, 45 at 49. Yellow at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)- Hindi talaga uusad ng malakihan ang pag-unlad habang patuloy kang kikonkontra ng iyong kasuyo. Kailangan mo muna siyang kumbinsehin at mapasangayon. Kapag naniwala na sa iyo ang iyong kasuyo, malaking suwerte at magandang kapalaran ang kasunod. Markahan ang 2, 11, 29, 34, 39 at 49. Green at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending