Kate Valdez 'Kapuso version' ni Liza Soberano  | Bandera

Kate Valdez ‘Kapuso version’ ni Liza Soberano 

Alex Brosas - February 02, 2020 - 12:28 AM

Awa ang naramdaman namin for Kate Valdez.

Na-bash kasi siya nang husto when some people reminded her na kamukha niya si Liza Soberano, ang bida sa series na Make It With You. 

“Ako po masaya ako dahil nga nakikita nila sa akin si Ms. Liza Soberano, pero mas gusto kong ihiwalay sarili ko dahil iba nga po ako sa kanya,” paliwanag ni Kate sa isang recent interview.

Nang matanong kung na-meet na niya si Liza in person, Kate said, “Hindi pa nga po, sana po ma-meet ko siya.”

When the item surfaced sa isang showbiz Facebook account, kaliwa’t kanang lait ang inabot ni Kate.

“Huh? totoo maganda sya pero ang taas ng level ng ganda ni liza soberano. wag masyadong fil am- filingera – ambisyosa.”

“Mapapamura ka nalang…. Ui worldwide si liza papo ang nangungunang pinaka maganda sa buong mundo. Tapus itatapat nio yan. Magkape kau kapekape para magising sa katotohanan!!!”

“Hahahaha! kelangan dumikit sa kapamilya para umingay pangalan nya kasi may bagong show hahahahhaha thats what you call sagip kapamilya  ganyan nman halos lahat ng kapuso kpag may bagong show sa kapamilya stars kumakapit para mag ingay.”

“Ginagawan ng issue para mapag-usapan, plain and simple…Kung halos kasing ganda nya si Liza, sali sya sa Ms Universe PHL.”

In fairness to Kate, maganda naman din siya.  But she should not have been compared kay Liza.  Iyon ang pagkakamali ng mga taoing nag-compare sa kanila. Ayun, na-bash tuloy si Kate.

* * *

Nag-react ang sariling followers ni Lolit Solis sa kanyang recent aria where in she said na naungusan na ang Kadenang Ginto ng kalabang soap opera.

Maanghang na response ang isinagot ng followers ni Lolit, sinopla nila talaga ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung totoong malakas ang Primadonna, bakit po walang kumukuha sa tatlo para maging endorsers, di tulad ng sa kabila na may mga commercials. No offense meant po.”

Umabot na sa 16 months (one year and four months) ang Kadenang Ginto at ang pagtatapos nito next week as isa sa mga inaabangan.  Waiting ang televiewers kung paano magwawakas ang away sa pagitan nina Daniela (Dimples Romana) at Romina (Beauty Gonzales).            

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending