Ronnie Alonte nabigo sa pag-ibig: Sobrang sakit!
“James & Pat & Dave”, a sequel to the 2016 hit “Vince & Kath & James” revolves on the story of unrequited love. ‘Yung hindi napili, ‘yung nabasted.
The movie stars the real couple Loisa Andalio and Ronnie Alonte and Donny Pangilinan.
Sa presscon ay natanong ang cast members if they experienced ‘yung hindi sila napili ng kanilang niligawan.
“Yes. Noong time na parang niligawan ko siya ng anim na buwan. Ganoon katagal, anim na buwan ko siyang niligawan. Ibinigay ko sa kanya lahat. Ipinakilala ko siya sa pamilya ko. Nakilala ko ‘yung pamilya niya.
“Pero after noong six months na sinabi ko sa kanya…pero tinatanong na niya iyon. Kailan ba tayo? Ano ba ang meron sa atin. Pero noong time na gusto ko na talaga siyang ligawan na tayo na, meron na siyang iba. Ganoon kasakit,” kuwento ni Ronnie.
Paano siya naka-recover sa pain? “Siguro tulong ng pamilya’t kaibigan. Hindi siya sa showbiz at saka bata pa naman ako noon.”
Grateful si Ronnie sa big break na ibinigay sa kanila ni Loisa sa movie na ito.
“Siyempre, ang tagal naming hinintay ito. Kumbaga, 2020 panibagong buhay. Noong ibinigay sa amin ito ay hindi kami nagdalawang isip na, ‘beh, galingan natin ito. Ipakita natin sa kanila na karapat-dapat tayo,’” he said.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.