Maine nangisay sa kilig moment ng ‘Bawal Judgmental’ sa Eat Bulaga
Hindi kinaya ni Maine Mendoza ang super-kilig episode sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga last Jan. 30.
Mga lisensiyadong piloto ang humarap sa audience kabilang na sina Steve Dailisan, Eric Fortuna, Steffi ng QC, Jeremy ng Manila, Khasim ng Antipolo, Xaxa ng Las Piñas at Jeric ng Parañaque City.
Eh, bukod sa katatawanan at excitement, nagmistulang matchmaker sina Maine, Jose Manalo, Allan K. Wally Bayola at Paolo Ballesteros.
Tinuksu-tukso nila ang isang babae at lalaking contestant na naghatid ng kilig sa audience. Pati nga si Meng ay nakuhanan ng camera habang nakahiga sa sahig at umakting na nangingisay sa kilig!
Tweet ni Maine, “Masarap kiligin kahit para sa ibang tao! Hay nako Steffi and Jeremy, push niyo yan! Kilig to the bones kami lahat lalo na meee!! #BawaJudgmental.”
Habang umeere ang Eat Bulaga, naging isa sa top trending topic sa Twitter ang nasabing kilig moment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.