Bong tuloy ang laban sa 2020 MMFF; pagkontra sa Agimat Ng Agila wa epek
Sigurado na ang pagsa-submit ng kampo ni Sen. Bong Revilla ng kanilang entry sa 2020 Metro Manila Film Festival.
Kahapon muling humarap sa entertainment media ang actor-politician kasama ang asawang si Bacoor City Mayor Lani Mercado, para magpasalamat sa patuloy na suporta sa kanya ng mga taga-showbiz.
“Kapag kapiling ko kayo, at home si Bong Revilla, dahil ang mga kasama ko ay mga kapatd ko sa industriya na kailanman ay hindi ako pinabayaan. Kaya sa pagkakataong ito sa ating thanksgiving party, not a presscon, para makapiling namin kayong mag-asawa,” ani Sen. Bong na parang mas bumata pa ang itsura ngayon.
Ibinalita ng mag-asawa ang ginawa nilang pagtulong sa mga Taal victims, kabilang na ang Caviteño na naapektuhan ng matinding ashfall.
Bukod sa paggawa ng batas, kinumpirma din ng senador na pinaplano na ang pelikulang ilalaban nila sa MMFF 2020. Pero ayaw muna nitong magdetalye tungkol sa proyekto but he denied reports na sina Catriona Gray at Maine Mendoza ang makakatambal niya rito.
Bukod dito, magsisimula na rin ang taping para sa comeback TV project niya sa GMA, ang Agimat ng Agila na ididirek ni Rico Gutierrez. Aniya, surprise raw kung sinu-sino ang makakasama niya rito na siguradong ikatutuwa rin ng viewers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.