CLAUDINE mayaman pa rin, hindi maghihirap kahit tumangging magsustento si RAYMART | Bandera

CLAUDINE mayaman pa rin, hindi maghihirap kahit tumangging magsustento si RAYMART

Jobert Sucaldito - August 04, 2013 - 03:00 AM


Iba naman ang problema ng dating archrival ni Judy Ann Santos na si Claudine Barretto – kung sa kaniya ay career-issue, kay Claudine naman ay doble – career and family.

Matagal-tagal na rin kasing nabakante si Claudine sa pag-arte – when was the last time that she had a project?  Kung si Juday is contemplating diumano of moving out of ABS-CBN, si Claudine naman daw ay atat na atat nang makabalik sa Dos dahil wala naman talagang nangyari sa kaniya when she left ABS-CBN, di ba?

Namatay talaga ang career niya.  Aside from her career, problemado pa si Claudine sa kaniyang family life. Mabuti na lang kamo at may ipon siya dahil kung hindi, matagal na siyang nangutang siguro para maipambili ng bigas at pagkain ng mga anak niya.

Mukhang mapera pa rin naman siya kaya kahit hindi magsustento si Raymart sa kanila ay mabubuhay silang mag-iina.
Mukhang wala nang atrasan ang legal battle niya with her husband Raymart Santiago.

And it has become nasty na in a way. Nakakapanghinayang lang dahil nakita naman natin kung paano nila ipinaglaban ang relasyon nila before, di ba?

Talagang nasubaybayan natin kung paano ang naging struggle nila as a couple. Kaya lang, ganoon talaga yata ang buhay – you cannot have them all. May mga sacrifices talaga along the way.

Will the Temporary Protection Order that Claudine requested from Marikina Trial Court ever prosper? At hanggang saan kaya hahantong ang alitan nila ng dating asawa?

Sa pakakaalam namin, hindi lang si Raymart ang nagulat nang humingi ng TPO si Claudine sa korte, kundi pati na rin ang mga taong malalapit sa kanila.

Hindi raw kasi nila inaasahan na hahantong pa sa korte ang lahat. Sa ngayon, wala na tayong naririnig na komento o maaanghang na salita mula sa magkabilang panig dahil nga may gag order na sa kanila ang court.

Hay naku, nakakalungkot lang talaga. But that’s a sad fact. The most that we can do is pray – to wish them well. God bless them and their kids.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending