'Miracle' ni Aga kumita na ng P500M, pinakamalaking kinita ng Viva sa loob ng 39 years | Bandera

‘Miracle’ ni Aga kumita na ng P500M, pinakamalaking kinita ng Viva sa loob ng 39 years

Reggee Bonoan - January 30, 2020 - 12:01 AM

SA nakaraang Viva Vision 2020 ay ibinahagi ni Boss Vic del Rosario ang dahilan kung bakit wala silang naluging pelikula kahit pa mahina sa theatrical run.

“Minsan timing lang, minsan suwerte, minsan malas. Ang sabi ko nga kay Vincent (del Rosario, anak niya) ang importante, ‘you will have more hits than flop kasi kasama ‘yung flop, eh.

“Ako malimit nakikita (nababasa) ko, sasabihin ng mga reporter kalimitan imbes na i-uplift ang cinema (sinusulat), nilalangaw ang pelikula ni ganu’n di ba?

“Siyempre sa aming (mga) producer masakit ‘yun, kasama ang flop pero kung marami kaming flop, mas malaki ang kinita namin sa iba’t ibang platforms.

“Hindi naman ibig sabihin na nag flop ang isang pelikula ay flop na, maling pananaw. Hindi ibig sabihin na walang pumila. Maski na walang gross ‘yan ay kaya naming kitain sa ibang platform, mas malaki pa nga.

‘Yun ang sekreto ng paggawa ng pelikula, ‘yung iba lang hindi naintindihan kaya nalulugi sila,” paliwanag ng Viva honcho.

Sa loob ng 39 years, ang pelikulang “Miracle in Cell No. 7″ ang highest grossing film ng Viva na solo produced. As of this writing ay nasa P500 million na ito at ipinalalabas pa rin sa ibang bansa na nagugulat din ang Viva executives sa laki ng revenue.

“Yes, this is the highest grossing namin na solo ng Viva,” saad ni Vincent del Rosario (namamahala sa mga pelikula ng Viva).

Dagdag pa nito, “Kanina in-announce namin na P500 million na to date in Philippine box-office, we played in Middle East, we’re playing now sa North America and nagugulat kami sa turnouts hopefully masaya, kapag nabilang na lahat, everybody would be happy.”

Inamin din naman ni boss Vincent na unexpected ang kinita ng pelikula ni Aga Muhlach na hango sa Korean movie.

“Oo kasi siyempre we’re kind of scared mahirap ang over confidence. Malaking bagay na nasuportahan ninyo (media/bloggers) kami mula sa opening. Sa opening kasi we didn’t open number one,” pahayag pa ni Vincent.

Dagdag ni boss Vic, “Estimate kasi nu’ng festival, nasa number 4 (ranking). Dahil siyempre ‘yung tatlo malakas talaga (Vice Ganda, Coco Martin at Vic Sotto) talaga may track record na.

“Pero nu’ng umakyat siya ng number 2 sabi namin baka saka-sakaling mag-number one. Although siyempre, anim na taon na kaming bakas kay Vice (Star Cinema).

“And on record, 6 years na kaming number 1 Viva and Star Cinema, pelikulang ginagawa ni Vice kasosyo kami sa totoo lang. So actually, pitong taon na kaming number one di ba? Iklaro natin.

“Kaya itong ‘Miracle’ nagkaroon ng pag-asa kasi sa 3rd day, number 1 na then bago mag-New Year, nalagpasan na (pelikula ni Vice),” dagdag ni Boss Vic.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At sa ginanap na Viva Vision 2020 ay inamin ni boss Vincent na naglaan sila ng P1 billion para sa 34 movies na gagawin nila this year.

Nabanggit din sa mediacon na nag-submit na ang Viva ng dalawang pelikula Para sa Summer Metro Manila Film Festival, ang “Tililing” at “A Hard Day.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending