Kobe Bryant memorabilia naka-display sa Kamara
IDINISPLAY sa Kamara de Representantes ang Kobe Bryant collection ni Speaker Alan Peter Cayetano bilang pagpupugay sa pumanaw na basketball superstar.
Kasama sa naka-display ang isang sapatos na isinuot ni Bryant nang maglaro ito sa Pilipinas. Ang sapatos ay inihagis ni Bryant sa audience at hinahanap ng misis ni Cayetano na si Taguig Rep. Lani Cayetano ang nakakuha nito.
Binili ng dating alkalde ng Taguig ang sapatos at iniregalo ito kay Speaker.
“Personally, I’ve been a fan and collector nung kanyang memorabilia for the last 20 years, so, ‘yung NBA collection ko, sa kanya nagsimula, and I had the privilege of watching his first championship, kahit na andun sa dulo, andoon sa taas,” ani Cayetano.
Sinabi ni Cayetano na tugma sa Mamba principle ni Bryant ang nais niyang mangyari ng Kongreso.
“If mapapansin niyo na sinasabi ko sa Kongreso, although meron ‘tong mga biblical principles at saka spiritual principles, tugma ito sa “Mamba Mentality” na nagsasabi na “Be the best version of yourself.” So part ‘yan ng magiging tribute at inspiration ng 18th Congress, we will really try to be the best version of Congress that we can be,” dagdag pa ng lider ng Kamara.
Naka-display din ang mga jersey na pinirmahan ni Bryant at ilang poster nito.
“Ang hinihingi po ng members of Congress, 18th Congress, is to pray for the family members. Kasi klaro naman sa ating ang impact ni Mr. Kobe Bryant sa sports, ang impact niya sa NBA, ang impact niya dito sa Pilipinas dahil nakailang dalaw siya kasama ang aming siyudad at ang historic na Tenement building kung saan siya naglaro at nagturo sa mga bata. But we cannot begin to imagine kung ano ‘yung nararamdaman nung pamilya, nung mga daughters niyang iba, ‘yung asawa niya, pamilya niya. And also of course ‘yung pamilya nung mga kasama niya doon sa chopper. So it is not only a tragedy felt by his fans, marami sa ating young people ngayon ay nung nalaman nung araw na ‘yon, felt the distress of losing someone although far away parang close to their heart. So I think, the best that we can do is really to pay tribute, to pray for their family but also—tinuturo nga niya, ‘To be the best version of yourself’.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.