JULIA MATINDI ANG GALIT KAY JOSHUA; NAGDEDMAHAN SA PROMO NG 'BLOCK Z' | Bandera

JULIA MATINDI ANG GALIT KAY JOSHUA; NAGDEDMAHAN SA PROMO NG ‘BLOCK Z’

Bandera - January 28, 2020 - 12:20 AM

JOSHUA GARCIA AT JULIA BARRETTO

Usap-usapan ngayon sa social media ang isang video kung saan nagdedmahan umano ang ex-couple na sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Mahigit kalahating milyon na ang nahamig na views at comments ng nasabing video sa YouTube na ipinost ng isang Jan Milo Severo. May titulo itong “Joshua Garcia at Julia Barretto dedma sa isat-isa sa backstage ng Chinese New Year celebration.”

Mapapanood dito ang sinasabing “isnaban scene” ng dating magdyowa na kuha umano sa isang lugar kung saan nag-promote ang dalawa para sa zombie movie nilang “Block Z”.

Sa video, makikitang unang naglalakad patungong backstage si Julia habang nakasunod naman sa kanya si Joshua. Sa isang bench umupo si Julia pero hindi tumabi sa kanya si Joshua na tumayo lang ilang metro mula sa kinaroroonan ng ex-girlfriend. Kapansin-pansin din na tila hindi nagtitinginan ang dalawa kaya naman ang paniwala ng netizens, hindi talaga sila okay ngayon.

Pero in fairness, kahit na nga balitang hindi maayos ang relasyon ng dating magdyowa, nagpapaka-professional pa rin sila sa ngalan ng kanilang mga trabaho at commitment.

Kamakailan, in-unfollow na ni Julia sa Instagram si Joshua pati na ang nali-link ngayon sa binata na si Janella Salvador.

ng pipol ang tseke ni JD na nakapangalan sa probinsya ng Batangas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending