Alert level 3 ipinatupad sa Bulkang Taal
IBINABA ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal ngayong araw.
“This serves as a notice for the lowering of Taal Volcano’s status from Alert Level 4 (hazardous eruption imminent) to Alert Level 3 (decreased tendency towards hazardous eruption),” saad ng advisory ng Phivolcs.
Unti-unti umanong bumaba ang mga aktibidad ng bulkan mula sa phreatomagmatic eruption noong Enero 12-13.
Humina na rin umano ang steam/gas emission sa Main Crater at humupa na ang pamamaga nito.
Mula sa 959 volcanic earthquake kada araw na naitatala ng Philippine Seismic Network ay bumaba na ito sa 27 kada araw.
“The Taal Volcano Network likewise recorded a downtrend in volcanic earthquakes from 944 to 420 events/day between 17 and 24 January with a corresponding decline in the daily total seismic energy released.”
Humina na rin umano ang mga ash eruption at degassing o steaming. Bumaba na rin ang sulfur dioxide na inilalabas ng bulkan.
“In view of the above observations, DOST-PHIVOLCS is lowering the alert status of Taal Volcano from Alert Level 4 to Alert Level 3 to reflect the overall decrease in the level of monitoring parameters.”
Nabawasan man ang tyansa ng isang malaking pagsabog, sinabi ng Phivolcs na posible pa rin na magkaroon ng mahihinang steam-driven at mahinang phreatomagmatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall at lethal volcanic gas expulsions kaya mananatili ang pagbabawal na pumunta sa Permanent Danger Zone ng Taal o sa loob ng pitong kilometrong radius mula sa bunganga ng bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.