outbrain

Female celeb nanahimik, tumigil na rin sa pagtulong

By Cristy Fermin January 25,2020
share this

Female celeb nanahimik, tumigil na rin sa pagtulong

By Cristy Fermin January 25,2020
share this

HINAHANAP ng mga kababayan natin ang dating pagiging generous ng isang pamosong female personality. Bakit daw kaya parang huminto na siya sa pagiging matulungin?

Dati raw kasi, nu’ng kasagsagan ng career ng babaeng personalidad ay mabilis siyang umaksiyon sa paghahandog ng tulong sa mga kalamidad, pero ngayon ay parang nawalan na siya ng gana.

Dahil daw kaya ‘yun sa wala naman siyang kailangang proteksiyunang imahe?

Kuwento ng isang source, “‘Yun ang napapansin ngayon ng marami, bakit hindi na siya aktibo sa pagtulong sa mga nagiging biktima ng kalamidad.

“Dati nga naman kasi, e, isa siya sa mga nangunguna, marami siyang staff na naia-assign sa pamimili ng mga ipamimigay niya, pero ngayon, e, napakatahimik ng mundo niya!

“Kaya ang iniisip ng marami, porke daw ba sa hindi na active ang career niya, e, wala na rin siyang pakialam ngayon sa pagtulong?

“For the love of her career lang ba ang mga ginagawa niya nu’n? Pang-publicity lang, ganu’n?” simulang chika ng aming impormante.

Pero may mga nagtatanggol din naman sa pamosong female personality, ayon sa mga ito ay may bitbit na problema ngayon ang babaeng personalidad, uunahin niya muna siyempre ang kanyang sarili bago ang iba.

Balik-kuwento ng aming source, “Kunsabagay, hindi naman kasi simple lang ang pinagdadaanan niya ngayon. Mas matindi pa nga ‘yun, matagal na siyang nahihirapan.

“Kung saan-saang bansa na siya nakararating para sa problema niya, pero hanggang ngayon, e, hindi pa rin talaga siya ganu’n kaayos. Ibigay na lang siguro natin sa kanya ‘yun, anyway, generous naman ang girl.

“Kapag umokey na siya, e, siguradong malalaman din naman natin ‘yun dahil palagi siyang nagpo-post ng lahat-lahat ng mga nangyayari sa buhay niya.

“Wala naman siyang itinatago, talagang nalalaman ng buong mundo ang mga ganap sa buhay niya, kaya wait na lang natin ‘yun,” nakakaunawang pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, wala nang clue, hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending