Juday sa fake ads: Nakakaloka, 2020 na ayaw n'yo pa rin akong tantanan! | Bandera

Juday sa fake ads: Nakakaloka, 2020 na ayaw n’yo pa rin akong tantanan!

Bandera - January 25, 2020 - 12:40 AM

JUDY ANN SANTOS

Tuloy-tuloy ang laban ng award-winning actress na si Judy Ann Santos-Agoncillo laban sa mga fake ads sa social media na gumagamit sa kanyang pangalan at iba pang celebrities.

Sa kanyang Instagram account, muling binalaan ni Juday ang publiko sa mga pekeng advetisements na may mukha at pangalan niya.

“Nakakaloka… 2020 na hindi nyo pa rin ako tinatantanan.. sa lahat ng nagtatanong.. kahit anong makita po ninyong ads na lumalabas sa mga facebook pages ninyo, HINDI TOTOO!

“Mapakape pa yan o pills o kahit na anong klaseng pampapayat ay HINDI KO GINAGAMIT AT HINDI KO INIENDORSO!

“We have reported this site already, and our lawyers our doing the necessary legal actions to take down these fraudsters! DO NOT BELIEVE THESE FAKE ADS!

“Nakikita ninyo kung ano ano ang mga productong totoo kong ginagamit at iniendorso.. hanggat hindi mismong sa ig feed ko lumabas at hindi sa akin mismo nanggaling.. ibig sabihin hindi totoo.. #notoscams,” ang warning ng misis ni Ryan Agoncillo sa madlang pipol na ilang beses nang nabiktima ng mga sindikato sa social media at internet.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending