Barbie bagong Primetime Princess ng GMA; muling isasabong kay Coco
“GRABE ‘no!” Ito ang naging reaksyon ni Barbie Forteza sa bago niyang titulo – ang Kapuso Primetime Princess.
Sa ginanap na mediacon ng bago niyang primetime series sa GMA, ang “Anak ni Waray vs Anak ni Biday”, Primetime Princess na ang ginawang pagpapakilala sa kanya.
“Bukod sa ‘Anak ni Waray,’ may isa pang title. Sobrang grateful ko, of course, sa aking network for taking care of me for 10 years now.
“So, maraming-maraming salamat for the love, trust, and continuous support. Pero siyempre, pressure rin but like I always say, basta ibibigay ko lagi ang 100 percent ko sa lahat ng trabahong ipagkakatiwala sa akin ng GMA,” chika ng dalaga.
Sa Lunes na magsisimula ang “Anak ni Waray vs Anak ni Biday” after 24 Oras. Ito ang papalit sa Beautiful Justice na makakatapat uli ng FPJ’s Ang Probinsyano.
Ito na ang ikalawang pakikipaglaban ni Barbie sa teleserye ni Coco Martin sa ABS-CBN. Unang nakipagtapatan si Barbie sa programa ni Coco via Kapuso fantasy drama Kara Mia kasama si Mika dela Cruz.
“Wala naman pong problema sa akin yun. I think… any kind of competition is good. Kasi, it’s a challenge for me to do better. It’s an inspiration, a motivation to do better every time. So, ayun. It’s a good challenge,” pahayag ni Barbie.
Sa “Round 2” ng bakbakan nila ni Coco, may kaba pa ba siyang nararamdaman? “Naku, siguro ang kaba na napi-feel ko, eh kung mas panonoorin ba ng mga tao ang reimagined version ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday.
“Medyo hindi na ako after na manalo pa. More on sana magustuhan ng mga tao iyong pinaghandaan namin for them,” lahad ni Barbie.
Maituturing nang classic ang 1984 Regal movie na “Anak ni Waray vs Anak ni Biday” na idinirek ni Maryo J. delos Reyes. Incidentally, second death anniversary ng yumaong direktor sa Jan. 27, Lunes, na siyang pilot date rin ng TV version ng pelikula.
Makakasama rin sa serye sina Snooky Serna na gaganap na nanay ni Barbie, Dina Bonnevie na siyang nanay naman ni Kate Valdez. Nandiyan din sina Migo Adecer, Jay Manalo, Celia Rodriguez, Jean Saburit, Faith da Silva, Teresa Loyzaga, Tanya Montenegro at ang vlogger na si Benedict Cua, sa direksyon ni Mark Sicat dela Cruz.
May special participation din dito sina Lovi Poe, Max Collins at Jason Abalos bilang young Dina, Snooky and Jay respectively.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.