Horoscope, January 23, 2020 | Bandera

Horoscope, January 23, 2020

Madam Sophia |January 23,2020
facebook
share this

Horoscope, January 23, 2020

Madam Sophia - January 23, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito ng 2020 umpisahan mo ng palaguin ang iyong kabuhayan, siguradong papabor sa iyo ang langit, sa ayaw at sa gusto mo kusang lalago ang kabuhayan hanggang sa ikaw ay yumaman ng napakayaman. Sa lovelife, tuloy ang kapana-panabik na romansa. Markahan ang 5, 14, 23, 32, 41 at 48. Blue at red ang buenas. Swerte sa initial na C. at P.
Aries – (Marso 21-April 19)-Sa taong ito ng 2020 hindi ka dapat magpabigla-bigla ng desisyon. Sa kawalang ingat may malaking problemang magaganp. Sa pinag-isipang pagpapasya, darating ang malaking suwerte at magagandang kapalaran lalo na sa pera at sa pag-ibig. Markahan ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Violet at blue ang buenas. Swerte sa initial na Y. at G.
Taurus – (April 20-May 20)-Ipatupad mo na ngayon ang kasabihang: “Habang maikli ang kumot matutong mamaluktot.” Ibig sabihin, hindi ka dapat na maging magastos sa taong ito ng 2020. Kapag maingat ka sa paggasta, mas madali kang uunlad at magiging maligaya. Markahan ng 6, 9, 28, 30, 40 at 45. Purple at pink ang buenas. Swerte sa initial na D. at B.
Gemini – (May 21-June 21)-Sa taong ito lalo mo pang pasiglahin ang kalakal na may kaugnayan sa transportasyon at modernong kumunikasyon, at sa pagkain upang mas madaling umunlad at yumaman. Sa lovelife, habang nalalapit na ang Chinese New Year, lalo namang iigting at sasarap ang relasyon. Markahan ang 1, 9, 28, 37, 40 at 49. White at silver ang buenas. Swerte sa initial na R. at E.
Cancer – (June 22- July 22)- Ngayon pa lang plinaplano mo na ang pakikipag-date sa kasuyo. Piliin ang mga lugar na mapuno, mahangin, tahimik, at malapit sa kalikasan. Sa ganyang paraan lalong iinit ang pagmamahalan. Sa pinansyal, magtipid, upang maraming pang-gastos sa darating na Valentine’s day. Markahan ang 5, 7, 23, 32, 39 at 45. Green at black ang buenas. Swerte sa initial na F. at M.
Leo – (July 23 – August 22)- Sa taong ito yellow at golden yellow ang mapalad na kulay na dapat mong laging gamitin sa negosyo at maging sa lovelife man upang magtuloy-tuloy ang dating ng suwerte at magandang kapalaran. Markahan ang 6, 9, 18, 29, 30 at 45. Yellow at gold ang buenas. Swerte sa initial na A. at D.
Virgo – (August 23 – September 22)- Sa lovelife, tandaang ang pagiging tapat sa kasuyo ay nagbubunga ng kaligayahan, habang sa pananalapi, ang pagtitipid at pagsisinop ng kabuhayan ay nagbubunga naman ng pagyaman. Markahan ang 7, 9, 13, 28, 36, at 48. Gray at yellow ang buenas. M. at H.
Libra – (September 23-October 23)-Hindi laging sagana ang buhay, nauubos din ang pera kaya naman sa taong ito ng 2020 subukang mag-ipon. Sa lovelife, wag tipirin ang minamahal, dahil libre naman ang page-express ng pag-ibig at romansa. Markahan ang 5, 17, 24, 31, 39 at 46. Red at pink ang buenas. Swerte sa initial na T. at P.
Scorpio – (October 24 – November 21)- Tuloy-tuloy ang pagiging dominante at kailangang bawasan mo ito. Dahil sa taong ito marami ka na namang makakabangga at marami ang maiinggit sa iyo. Kaya lang kahit mainnggit sila sa iyo at bumanngga hindi ka matitinag, dahil sa bandang huli ikaw pari ang wagi. Markahan ang 7, 16, 25, 34, 43, at 47. Green at violet ang buenas. Swerte sa initial na C. at A.
Sagittarius – (November 22 – December 21)-Mahirap talagang mawalay sa minamahal ngunit kailangan mong gawin para sa ikauunlad ng inyong kabuhayn. Sa muli nyong pagkikita may napakasarap na romansang magaganap. Markahan ang 3, 6, 17, 24, 38 at 45. Purple at pink ang buenas. Swerte sa initial na H. at M.
Capricorn – (December 22 – January 19)-Sa negosyo sa taon ito ng 2020 laging maging tapat sa kausap upang kumita ng mas malaking halaga. Sa lovelife, pagtiyagaan ang kasuyong maangas darating ang panahong mapapasunod mo rin siya. Markahan ang 1, 10, 19, 28, 34, at 45. Yellow at gold ang buenas. Swerte sa initial na T. at L.
Aquarius – (January 20 – February 18)- Panahon na upang mag bagong buhay. Ang pormula: “limutin ang nakaraan at hindi dapat iniisip ang darating.” Mabuhay ka at mag-concentrate sa kasaluyan. Sa ganyang paraan ikaw ay uunlad at habang buhay na mapapa sa iyo ang kaligayahan. Markahan ang 4, 15, 24, 34, 43, at 46. Green at white ang buenas. Swerte sa initial na M. at T.
Pisces – (February 19 – March 20)-Sa taong ito wag kang masyadong mabahala sa future. Pinapaood ng langit ang kapalaran at ito ay nakatakda ng pagandahin ngayon. Sa lovelife, yakapin ng mahigpit ang kasuyo sapagkat nalalapit na ang inyong tagumpay at kaligayahan. Markahan ang 7, 16, 26, 33, 38 at 42. Blue at lilac ang buenas. Swerte sa initial na L. at P.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending