The Gift ni Alden kailangan nang tapusin dahil sa Centerstage | Bandera

The Gift ni Alden kailangan nang tapusin dahil sa Centerstage

Cristy Fermin - January 22, 2020 - 01:20 AM

ALDEN RICHARDS

Tatlong linggo na lang at magtatapos na ang The Gift ni Alden Richards. Kumokontra ang kanyang mga tagahanga, bakit daw kailangang tuldukan na ang pinagbibidahang serye ng kanilang idolo, ngayon pa lang daw tumotodo ang init ng mga eksena?

Kailangang tapusin na ang serye ng Pambansang Bae, ayon sa mga impormante ng GMA 7, dahil malapit na niyang simulan ang pagho-host ng Centerstage.

Kung ipagpapatuloy pa ang The Gift ay baka mawalan na ng pahinga ang singer-actor dahil meron pa siyang All-Out Sundays.

Pinagmamalasakitan lang naman ng kanyang network si Alden, hindi siya puwedeng magkaroon ng tatlong programa nang sabay-sabay, dahil siguradong pagkakasakit ang uuwian nu’n para sa binatang aktor.

Sa pinakahuling episode ng The Gift na napanood namin ay napakasarap palakpakan ng ipinakitang husay sa pagganap ng Pambansang Bae. ‘Yun ang eksena nila ni Jean Garcia nang pasukin niya ito sa kotse.

Close-up ang tutok ng mga camera kay Alden, kitang-kita ang pamumuo ng kanyang luha nang pakiusapan niya si Jean na iligtas ang kanyang ina-inahang si Aling Strawberry, na kinidnap ng mister nitong OA umarte na si Christian Vasquez.

“Tulungan n’yo po akong iligtas ang nanay ko, siya na po ang nag-alaga sa akin mula nu’ng maliit ako, hindi ko po kayang mawala ang nanay ko,” dialogue ni Sep na walang kaalam-alam na ang kaharap niyang babae ang tunay niyang ina sa istorya.

Panalo ang eksenang ‘yun! Mula sa pamumuo ng luha ay bumagsak ‘yun sa magkabilang pisngi ng aktor, kasunod ang impit na paghagulgol, hindi na nga basta guwapo lang si Alden Richards!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending