Ayaw panagutan ng BF, baby ipaampon na lang | Bandera

Ayaw panagutan ng BF, baby ipaampon na lang

Beth Viaje - January 22, 2020 - 12:15 AM

DEAR Ateng Beth,
Tulungan po ninyo ako, ate Beth. Hindi ko po matandaan ang last menstruation ko. Siguro ay almost five months na itong baby ko sa tiyan ko.
Nakainom po ako ng iba’t ibang gamot. Kagustuhan lang po iyon ng boyfriend ko, pero ako parang nakokonsensiya na.
Gusto ko na lang siyang ituloy at ipanganak tapos ipamigay sa nararapat sa kanya na maging magulang.
Hindi ko po alam kung ano ang sasabihin ko sa mga parents ko. Hindi ko po alam kung saan ako magsisimula.
Tulungan po ninyo ako, please. Nakokonsensiya na rin po ako sa bata. Matagal ko na pong gusto na magkaroon ng ganito, mahilig po ako sa bata. Pero ngayon po ay namomroblema ako kasi di ko po siya kayang buhayin.
Ipamimigay ko na lang po siya basta matulungan lang po ako sa pangangailangan ng baby ko. Alang-alang sa baby na ito, tulungan mo po ako.
Miss Baby
Magandang araw sa iyo Miss Baby na magkaka-baby na!
Haaay… napakamasalimuot ng problema mo, ate!
Sabi mo hindi mo alam kung saan ka magsisimula. Dito ka dapat magsimula: Makabubuting sabihin mo na sa mga magulang mo ang sitwasyon mo ngayon. Sila at sila pa rin ang makatutulong sa iyo, ano man ang mangyari sa iyo at sa baby mo.
Ihanda mo rin ang iyong sarili sa kung anong sasabihin nila. Natural na magagalit sila sa iyo at sa mga pinaggagagawa mo. Tanggapin ito at humingi ng patawad.
Pangalawa, huwag mo na rin pagkatiwalaan ang sarili mong pag-iisip. Uminom ka ng gamot o kung ano pa man base sa dikta ng boyfriend mo na ngayon ay sinisisi mo.
Sana noong sa simula pa lang ay nagka-clue ka na, na hindi matinong tao ang BF dahil ayaw niyang panagutan ‘yang pinagdadala mo. In fact, gusto pa niyang “patayin” na posibleng ikapanganib din ng buhay mo.
Ano pa bang kailangan mong ebidensya na walang kwenta at di maaasahan ang nobyo mo? Beltukan kaya kita, matauhan ka kaya?
At yon na nga, magulang pa rin ang matatakbuhan mo, kaya utang na loob, sabihin mo sa kanila ang iyong kalagayan bago pa sila tuluyang mabigla.
Pagkatapos, sama-sama kayong gumawa ng desisyon. Ihayag mo sa kanila ang naiisip mong plano na ipaampon ang bata dahil sabi mo nga ay hindi mo siya kayang buhayin. O baka naman sila na rin ang kukupkop sa bata at magpapalaki rito.
O, baka naman kailangan mong humingi ng tulong sa DSWD sa lugar ninyo una bilang single parent at kung paano pananagutin ang nobyo mo para sa suporta sa bata. Hindi masama magtanong.
Kung sakali namang magdesisyon kayo na talagang ipaaampon ang bata, sa DSWD ka rin maaaring makahingi ng tulong. Gawin iyan nang legal, huwag basta-basta gawin ang nakagawiang ilegal na pag-aampon na parang namimigay lang ng isang tasang ulam sa amiga mo!
Again, I cannot reiterate more the importance of letting your parents know your full situation whatever the consequences maybe. You have to face them and face your situation head on.
Napapa-Ingles tuloy ako sa pagkagigil sa yo, eh! Dyaske ka!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending