OFW sa Kuwait, handa nang mag-’for good’; nagpasalamat pa sa ban ng gobyerno!
MATAPOS ilabas ng pamahalaan ang “total deployment ban” para sa mga Household Service Workers (HSW) o domestic workers sa bansang Kuwait, sari-sari ang naging reaksyon ng ating mga kababayan.
May mga nagalit kasi nadamay kahit hindi nagsisipagtrabaho sa loob ng mga tahanan ng Kuwaiti employers.
Nakasama kasi sa ban maging ang mga semi-skilled, skilled at professional workers, wala nang bagong mga kontrata na ipoproseso. At papayagan lamang sa Balik-Manggagawa ang mga professional at skilled workers na makapag-renew, pero hindi na ang mga domestic workers.
Isang tawag ang natanggap ng Bantay OCW mula kay CA at may 10 taon nang nasa Kuwait.
Nabalitaan umano nila ang ban na ipinatutupad na ng pamahalaan para sa mga domestic workers na katulad niya.
Magtatapos ang kaniyang kontrata sa isang taon at napag-isipan na niyang handa na rin pala siyang huwag nang bumalik sa Kuwait.
Palibhasa ay hindi na rin siya makakabalik pa gustuhin pa man din niya, kaya ngayon pa lang, pinaghahandaan na niya iyon.
Isang solo parent si CA kung kaya’t kinausap na niya ang kanyang anak na papauwi na siya at magsasama na silang dalawa.
Natuwa umano ang kaniyang anak at mula ngayon todo-tipid na sila para paghandaan ang pag uwi ng nanay.
Nasabi niya tuloy, mabuti at dahil sa ban ay uuwi na siya!
***
Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.