'Tala' ni Sarah may 50M views na; pasok sa World Digital Song Sales ng Billboard | Bandera

‘Tala’ ni Sarah may 50M views na; pasok sa World Digital Song Sales ng Billboard

Ervin Santiago |January 21,2020
facebook
share this

‘Tala’ ni Sarah may 50M views na; pasok sa World Digital Song Sales ng Billboard

Ervin Santiago - January 21, 2020 - 12:05 AM

SARAH GERONIMO

KASABAY ng pagpalo sa 50 million views sa YouTube ng viral “Tala” song, pasok na rin ang kanta ni Sarah Geronimo sa World Digital Song Sales chat ng Billboard.

Patuloy pa rin ang paghataw ng “Tala” dance craze hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo kaya naman abot-langit ang pasasalamat ng Popstar Royalty sa lahat ng nagpa-trend nito sa social media.

“Mabuhay ang musikang Pilipino. Tala Nation, ibabalik ko po sa inyong lahat truly ang pasasalamat po at papuri. Maraming maraming salamat. Ang success po ng ‘Tala’ ay sa totoo lang, success po nating lahat,” pahayag ni Sarah sa bagong tagumpay na natamo.

Dugtong pa niyang mensahe, “Salamat po sa Popsters na nag-organize ng ‘Tala Para sa Taal’ flash mob for a cause. They partnered with Philippine Red Cross. Maraming salamat po. Sa mga kababayan natin sa Batangas, sana po nakatulong po kami. Talaga naman po na nakakatuwa na ang ‘Tala’ ay nakakapagbigay ng liwanag at pag-asa sa maraming tao. Maraming salamat po.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending