Joshua sweet na sweet kay Janella: That's my baby! | Bandera

Joshua sweet na sweet kay Janella: That’s my baby!

Ervin Santiago |January 21,2020
facebook
share this

Joshua sweet na sweet kay Janella: That’s my baby!

Ervin Santiago - January 21, 2020 - 12:55 AM

MAGDYOWA na nga ba sina Joshua Garcia and Janella Salvador?

Kung ang pagbabasehan ay ang mga viral sweet photos nila sa social media, mukhang totohanan na nga ang kanilang relasyon. Isa na nga rito ang ipinost ni Maja Salvador sa Instagram na kuha sa taping ng serye nilang The Killer Bride na nagtapos na last Friday.

Si Maja ang sinasabing naging kupido sa napapabalitang relasyon nina Joshua at Janella na nagsimula ngang maging close sa The Killer Bride.

“Elias salamat sa pagmamahal mo ng wagas kay Emma. sabi nga nila SANA ALL! Berber @garciajoshuae ang saya kong makatrabaho ka ulit. Napakahusay mong bata ka! Masaya rin ako dahil mas nakilala pa kita lalo. salamat sa masasarap na ngiting binibigay mo tuwing taping nakakagaan lagi ng araw yun.

“Salamat sa mas pinalalim na pagkakaibigan. nandito Lang ako lagi pangako! Awabyu. Ito ang pinost kong picture dahil Ito Ang pinakamasayang araw mo at pinaka gwapong ngiti mo! Lelz #Presidenti #TheKillerBride,” caption ni Maja sa litrato nina Janella at Joshua na gumanap ngang Elias at Emma sa kanilang teleserye.

Mas umingay pa ang love story ng dalawang Kapamilya stars nang kumalat ang ilang video clips mula sa Instagram Live ni Maja habang nagaganap ang The Killer Bride thanksgiving party.

“That’s your Emma? Or your baby?” ang sabi ni Maja kay Joshua. Na sinagot naman ng binata ng, “That’s my baby.”

Sa isa namang video sa Twitter, makikita si Joshua na nakaluhod sa harap ni Janella habang iniaabot ang hawak na bulaklak. Kinakanta ng dalaga ang theme song ng “TKB”, ang “Halik Sa Hangin” ni KZ Tandingan. Mas kinilig pa ang kanilang fans nang mag-duet sila sa kanta ng Orange And Lemons na “Hanggang Kailan” kung saan yumakap pa si Joshua kay Janella.

Samantala, mukhang ito nga ang dahilan kung bakit in-unfollow na ni Julia Barretto sa IG ang ex-boyfriend na si Joshua pati ang kaibigang si Janella. Hindi raw siguro matanggap ng dalaga na nagkakamabutihan na ang magka-loveteam.

Pero ang tanong ng ilang supporters ni Janella, paano na raw ang rumored boyfriend nitong British-Filipino singer-actor na si Markus Paterson?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending