Bela na-shock sa inamin ni JC: Wow! Ngayon ko lang nalaman! | Bandera

Bela na-shock sa inamin ni JC: Wow! Ngayon ko lang nalaman!

Reggee Bonoan |January 20,2020
facebook
share this

Bela na-shock sa inamin ni JC: Wow! Ngayon ko lang nalaman!

Reggee Bonoan - January 20, 2020 - 12:25 AM

IBINUKING ni Bela Padilla na nagkagulatan silang lahat sa shooting ng pelikulang “On Vodka, Beers And Regrets” sa isang eksena ng leading man niyang si JC Santos.

Nag-workout nang husto si JC para magkaroon ng 8-pack abs na kanyang ibinandera sa napakaikling eksena niya sa bagong pelikula ng Viva Films.

Kuwento ni Bela sa presscon ng “On Vodka, Beers And Regrets”, “Gaano ka nga ba kaseksi (JC)? Ilang abs ipinakita mo rito? Ipinakita po niya lahat, nu’ng filming po namin 8 ‘yung abs niya, hindi rin namin alam kung saan nanggaling at kung bakit siya nag-workout ng ganu’n katindi para sa napakaiksing eksena. Ano’ng ipinaglalaban ni JC?”

Hindi naman makasagot ang aktor sa sinabi ni Bela at puro tawa lang ang reaksyon nito.

Say naman ni Direk Irene Emma Villamor sa tanong kung gaano katindi ang love scene ng dalawa sa pelikula, “Hindi naman intense na intense, harutan lang wala namang nudity.”

At dahil ikatlong pelikula na ito nina JC at Bela ay natanong sila kung hindi ba sila nagkagustuhan, “Opo (na-develop)!” tumatawang sagot ng aktor.

“Sinarili po niya,” biro naman ng aktres. Dagdag pa ng dalaga, “Nakaka-shock itong presscon na ‘to! Wow! Ngayon ko lang nalaman.”

Bakit nga ba hindi niligawan ni JC si Bela? “Ang pinakaimportante po sa akin, love na love ko si Bela. Ang pinakaimportante po, yung work relationship namin. Sana nga, makasampung pelikula pa kami. Ayokong magbago yung nararamdaman namin sa isa’t isa tuwing magkatrabaho kami, tuwing magkasama kami.”

Nabanggit naman ni Bela na alam niya na may crush sa kanya ang leading man nang mabasa niya ang panayam nito sa isang magazine.

“Noong una kaming nagkatrabaho sa (100 Tula Para Kay) Stella, hindi kami magkakilala tapos mabigat yung una naming eksena together. So, kinabahan ako kasi hi and hello lang kami sa ABS-CBN.

“Tapos, may nagpadala sa akin ng link ng Candy magazine, parang ininterbyu si JC. Tapos, sabi celebrity crush, nabasa ko, nakalagay Bela Padilla.

“So, yun ang una kong sinabi sa kanya paglapit ko, ‘Hoy, crush mo pala ako!’ kaya pagdating namin sa set, komportable na kami. Masarap siyang asarin, hindi napipikon,” sabi ng aktres.

Actually, bagay naman sana sina JC at Bela, pero hindi na iyon mangyayari dahil kasal na ang aktor sa kanyang high school crush na nambasted sa kanya noon at magiging tatay na rin.

Anyway, ang pelikulang “On Vodka, Beers And Regrets” ay tungkol sa isang artistang palaos na (Bela) at nagumon sa alak at sa tuwing nasa bar siya ay parati ring naroon ang karakter ni JC hanggang sa magkaroon na sila ng “something.”

Magkakaroon ng premiere night ang “On Vodka, Beers And Regrets” sa SM Megamall cinema 1 sa Peb. 3.

* * *

Nagsalita rin sina Bela at JC tungkol sa issue ng franchise renewal ng ABS-CBN na mag-e-expire na sa darating na March.

Idinaan muna ng aktres sa biro ang kanyang sagot, “Shucks, oo nga, mawawalan na pala akong trabaho.” Ayon sa dalaga, wala pang sinasabi ang management sa kanila.

Singit naman ni JC wala rin siyang idea sa mga mangyayari, “Pero siyempre nalulungkot din ako.”

Sabi pa ni Bela, “Wala nga po, e, may sinabi na ba sa inyo?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Umiling si JC sabay sabing, “Sana naman humaba pa. Sana both sides magkakapatawaran… hindi ko alam, e.”

Dagdag ni Bela, “Wala po. Wala po. Ayaw ko siyang isipin na mawawalan na pala ako ng trabaho.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending