outbrain

Beking celeb feeling girl, sunud-sunuran sa dyowang male star

By Cristy Fermin January 20,2020
share this

Beking celeb feeling girl, sunud-sunuran sa dyowang male star

By Cristy Fermin January 20,2020
share this

KUNG naging pagkain lang na puwedeng ihawin ang isang sikat na becki personality ay siguradong sunog na sunog siya nu’ng gabing pagpistahan siya sa isang malaking umpukan ng mga becki rin.

Nakarating kasi sa kanila ang kuwento na sobrang seloso ang kanyang boyfriend ngayon, ni ayaw na siyang pinalalabas sa gabi para makasama ang kanyang mga kaibigan, feeling-girl naman daw ang becking personalidad na sunod lang nang sunod sa kanyang karelasyon.

Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Alam kasi nu’ng guy na madaling mahulog ang becki, natatakot siya, baka nga naman mauwi sa wala ang mga ginagawa niyang effort para magtagal sila ng becki!

“Saka siyempre, alam din niya na kapag meron nang bagong pagkakaabalahan ang becki, e, tapos na ang maliligayang araw niya! ‘Yun lang!” nakairap na kuwento ng miron.

Ang komentong ‘yun ng miron ang naging sentrong paksa ng grupo, datung nga lang ba ang habol ng boyfriend ng sikat na becki, kaduda-duda nga ba ang mga aksiyon ng binata?

Balik-kuwento ng miron, “Ano pa nga ba? Girl ba ang becki? Kahit pumutok pa ang lahat ng mga bulkan ngayon, e, obvious naman na ang pangkabuhayan showcase lang naman ng family niya ang inaasinta ng lalaking ‘yun!

“Di ba, ayaw raw niyang kumain ng buhangin ang family niya? Di ba, ang kapakanan daw ng pamilya niya ang mahalaga para sa kanya?

“Ano ang ibig sabihin nu’n? E, di meron siyang balak na iba? Kaya huwag nilang sisihin ang mga taong nagdududa sa relasyon nila! Hindi sila lalaki at babae!

“Huwag silang nagagalit kapag may mga nagsasabi na ang lalaking gipit, sa becki kumakapit!” naiinis pang komento ng miron.

Pero may mga nakakaintindi naman sa pagmamahalan ng binata at ng becki, sila raw talaga ang pinagtagpo ng kapalaran, dahil mahal nila ang isa’t isa.

Sa naturang grupo ay walang gustong maniwala na mahal na mahal talaga ng lalaki ang sikat na becki. Nakataas ang kanilang mga kilay, kumakatok sila sa mesa, good luck na lang daw sa becking sikat na feeling girl ngayon.

Bigay na bigay na kung sinu-sino sila, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, malaking krimen kung mauupo pa kayo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending