'Nakakaiyak makita ang kalagayan ng mga bakwit sa Batangas' | Bandera

‘Nakakaiyak makita ang kalagayan ng mga bakwit sa Batangas’

Jun Nardo - January 20, 2020 - 12:05 AM

BILANG na bilang na ang mga taong makikita sa bayan ng Taal sa Batangas.

Lumipat na sa mga evacuation center ang mga nakatira roon na itinuring na sa sa busiest places sa Batangas ngunit mistula na nga itong ghost town ngayon matapos pumutok ang bulkang Taal.

Locked down na ang nasabing lugar dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Taal volcano na nananatili pa ring nasa Alert Level 4, meaning malaki pa rin ang posibilidad na sumabog ito any time.

Mabuti naman at walang lindol kaming naramdaman nang bumisita kami last Saturday kasama ang grupo ng Trinity Fire Volunteers, Knights of Columbus at Holy Namee Society ng Most Holy Trinity Parish Parish sa Balic-Balic, Sampaoc, Manila.

Si Pong Mercado na dating tsusted man sa Regal movies ang mayor ngayon ng Taal.

Isa kami sa nag-abot ng mga relief goods sa nabiktima ng Taal eruption. Pinigilan lang naming maiyak sa harap ng mga evacuees dahil nakakadurog ng pusong kalagayan nila roon.

‘Yung iba nga sa kanila ay talagang nasa kalye na at nag-aabang ng mga darating pang tulong mula sa iba’t ibang lugar at organisasyon.
Karamihan sa mga relief goods na ipinamimigay sa mga Taal victims ay pagkain, tubig, facemask, gamot at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga tagaroon.

Madalas kaming magpunta sa Taal dahil na rin kay Mother Lily Monteverde kung saan naroon ang pag-aari niyang Taal Imperial Hotel and Resort.

Ayon sa aming nakausap na staff ng hotel, napuno ng buhangin ang swimming pool dahil sa ashfall. Pero wala namang major damage sa structure.

Sa bayan din ng Taal ginawa minsan ang isang event ni Cong. Vilma Santos-Recto nu’ng panahong governor pa siya ng lalawigan.

Sa Taal din nag-shoot ang isang movie na pinagbidahan nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid.

Dapat sana ay sa Taal din gagawin ang final shooting day ng Erik Matti movie na “On The Job 2.” Pero dahil sa lock down, nagdesisyon ang producers na ilipat na lang sa Pampanga ang kanilang location.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bumisita rin kami sa San Luis, Bauan at Santo. Tomas para kumustahin ang mga kababayan natin doon. Bagamat talagang hirap sa kanilang sitwasyon ngayon, nananatili pa rin silang positibo na makakabawi rin sila sa epekto ng kalamidad.

Nawa’y hindi na nga sumabog muli ang Taal volcano para makapagsimula na ang mga kababayan nating Batangueño sa pagtaguyod ng nasira nilang kabuhayan.
At sana’t patuloy tayong magtulungan para mapabilis ang kanilang pagbangon. Huwag din tayong tumigil sa pagdarasal para sa kaligtasan nating lahat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending