Barbie nakipagkasundo sa nagreklamong alalay, pero abusado na raw | Bandera

Barbie nakipagkasundo sa nagreklamong alalay, pero abusado na raw

Julie Bonifacio |January 19,2020
facebook
share this

Barbie nakipagkasundo sa nagreklamong alalay, pero abusado na raw

Julie Bonifacio - January 19, 2020 - 01:05 AM

Bago matapos ang 2019 ay nasangkot sa isang kontrobersiya ang  Star Magic artist na si Barbie Imperial. Ito’y may kaugnayan sa dati niyang personal assistant na nagsumbong sa radio program ni Raffy Tulfo.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita kami ni Barbie sa ABS-CBN kamakailan. Special guest siya sa gag show na “Banana Sundae.” At habang break ay kinumusta namin ang “insidente” between her and former PA.

   “Ayos na po kami,” say ni Barbie. Binayaran daw niya ang dating PA.

  Ang ikinaloka lang daw ng aktres ay nu’ng humihingi pa ng dagdag ang dating alalay niya pero hindi na niya ito pinagbigyan.

    Nalaman daw ito ni Tulfo kaya nagalit sa ex-PA ni Barbie. O, di ba? Napaka-honest and straightforward ng dalaga kapag sumagot sa tanong?

    Kaya naman isa si Barbie sa paboritong katsika ng mga manunulat at bloggers. Sincere kasi siya at walang paliguy-ligoy. Palaban at walang inuurungang tanong.            

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending