Kalokahan ni Alex tanggap ng dyowang politiko | Bandera

Kalokahan ni Alex tanggap ng dyowang politiko

Cristy Fermin |January 19,2020
facebook
share this

Kalokahan ni Alex tanggap ng dyowang politiko

Cristy Fermin - January 19, 2020 - 12:59 AM

   

Kitikiti mang itinuturing ay may isang lalaki pa ring handang magbigay ng tunay na pagmamahal at magandang kinabukasan kay Alex Gonzaga.

    Engaged na sila ni Mikee Morada, isang abogado at konsehal ngayon sa Lipa City, naganap ang proposal ng binata sa Hong Kong habang nandu’n ang pamilya Gonzaga.

    Cool na cool lang ang kanilang relasyon, walang gaanong mga emote, pero ramdam ang kanilang malalim na respeto sa isa’t isa at pagmamahalan.

    Napanood namin ang vlog ni Alex nang dalawin niya ang boyfriend niya sa Lipa City. Nakakaaliw ang singer-actress habang kinukulit ang kanyang karelasyon, sinasakyan naman nito ang kakulitan ni Alex, suportado ng konsehal ang hilig ng kanyang girlfriend.

    Ilang taon na silang magkarelasyon, tanggap na tanggap ng pamilya ni Alex si Mikee, mas napatunayan ng abogado ang pagmamahal nito sa dalaga nang malagay siya sa alanganin nu’n dahil sa isyung pulitika.

    Tulad ng kanyang Ate Toni ay siguradong sa Methodist Church sa Taytay sila magpapakasal ni Mikee Morada, at tulad ni Direk Paul Soriano ay Christian din ang boyfriend ni Alex Gonzaga.            

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending