Martir na aktres nakatakas sa babaero, mabisyong asawa, malaya na ngayon | Bandera

Martir na aktres nakatakas sa babaero, mabisyong asawa, malaya na ngayon

Cristy Fermin |January 19,2020
facebook
share this

Martir na aktres nakatakas sa babaero, mabisyong asawa, malaya na ngayon

Cristy Fermin - January 19, 2020 - 12:57 AM

MAY hangganan ang pasensiya, lalo na ang pagpapaka-martyr, ‘yun mismo ang nararamdaman ngayon ng isang maganda pa ring female personality sa nakahiwalay niyang mister na aktor.

    Kung bibilangin ang lahat ng ginawang sakripisyo ng babaeng personalidad sa kanyang mister na naligaw ng landas ay mawiwindang ang kahit sino kung paano niya natiis ang lahat ng ‘yun.

    Kuwento ng aming source, “Wala nang pinakadakilang misis sa balat ng lupa kundi ang female personality na ‘yun. Walang-wala ang pinagdaanan ng ibang artista compared sa mga pinagdaanan niya!

    “Super-dakila talaga ang babaeng ‘yun, hindi mo nga aakalain na sa ganda niyang ‘yun na parang fragile ang dating niya, e, napakatapang pala niya!

    “Ibang klase siya, masarap siyang ipagpagawa ng monumento na gawa sa matibay na semyento!” unang chika ng aming impormante.

    Hindi umuuwi ang kanyang mister, ni walang text o tawag sa kanya, pero nababalitaan niya na lang na nasa ibang bahay pala ang male personality at may pinagkakaabalahang ibang babae.

    Patuloy ng aming source, “Bukod pa ‘yun sa bisyong sumira talaga sa kanya nang wagas na wagas, ha? Wala na nga siyang ibinibigay na datung sa wife niya, e, nambababae pa siya!

    “At ang masakit pa, mismong kaibigan pa nilang artista rin ang escabechi ni ____ (pangalan ng nagpabayang male personality)! Wala siyang kahihiyan!

    “Tanggap na ng wife na ganu’n ang mister niya, pero ang the height talaga, e, nu’ng umuwing umiiyak ang isang anak nila! Nakita ng bagets na may kasamang iba ang tatay niya!

    “Sweet na sweet sila nu’ng kulukadidang niya! Nagsumbong ang anak nila sa female personality, ‘yun na ang naging dahilan ng pagbaklas niya, nakipaghiwalay na siya sa lalaking wala na ngang magandang nagagawa sa pamilya nila, e, nagkakalat pa ng kahihiyan!” madiing kuwento pa ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

    Masaya na ngayon sa kanyang pag-iisa ang female personality, ang lalaking personalidad naman ay parang windang pa rin ang buhay at sinayang nito ang napakagandang oportunidad nu’ng kanyang kabataan, sawa na sa pagmamartir ang kanyang dating misis.

    Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, malaya nang nakalilipad ngayon ang agila!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending