Kathryn, Daniel nagsilbing 'gamot' para aa Taal victims; namigay ng relief goods | Bandera

Kathryn, Daniel nagsilbing ‘gamot’ para aa Taal victims; namigay ng relief goods

Ervin Santiago |January 19,2020
facebook
share this

Kathryn, Daniel nagsilbing ‘gamot’ para aa Taal victims; namigay ng relief goods

Ervin Santiago - January 19, 2020 - 12:54 AM

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

Maligayang-maligaya ang mga evacuees sa San Luis, Batangas nang bumisita roon sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para mamahagi ng relief goods sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Taal volcano.

Ibinalita ito ng nanay ni Daniel na si Karla Estrada sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang isinagawang relief operation ng KathNiel.

Caption ni Karlaz “Hawak kamay tayo kasama ang kathniel at buong Team na kasama sa pag-Kawang gawa.”

Siyempre, nabuhayan ng loob at pansamantalang nakalimutan ng mga nasa evacuation center sa Bonliw, San Luis, Batangas ang takot at lungkot nang makita nila sina DJ at Kath.

Ilang netizens din ang nag-post sa social media ng mga litrato ng KathNiel habang namimigay ng tulong. Umani ng positibong mga komento ang ginawang pagtulong ng magka-loveteam na nagsilbi ring gamot sa kalungkutan ng mga Taal victims.        

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending