Jean kay Alden: Isa sa pinakamabait, pinakamalambing... love you beh! | Bandera

Jean kay Alden: Isa sa pinakamabait, pinakamalambing… love you beh!

Ervin Santiago |January 19,2020
facebook
share this

Jean kay Alden: Isa sa pinakamabait, pinakamalambing… love you beh!

Ervin Santiago - January 19, 2020 - 12:34 AM

ALDEN RICHARDS AT JEAN GARCIA

 PINUSUAN ng libu-libong netizens ang litrato ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards at ng award-winning Kapuso actress na si Jean Garcia.   

Nag-post si Jean ng photo nila ni Alden sa Instagram account na kuha sa taping ng kanilang primetime series na The Gift. Makikita sa litrato na nakayakap ang aktor kay Jean na gumaganap na nanay niya sa teleserye ng GMA.

Pinuri ni Jean ang Pambansang Bae at sinabing sa kabila ng kasikatan nito ay hindi pa rin pinagbabago ng panahon.

“Isa sa pinakamabait at pinakamalambing na taong kilala ko mula noon hanggang ngayon walang pagbabago, love you beh!!! @aldenrichards02 #NadiaatSep #GMATheGiftRevelation #gmanetwork #gmatelebabad,” ang caption ng seasoned actress sa kanyang IG post.

Sinagot naman ito ni Alden ng, “Mahal ko po kayo Madam.”

Agree naman ang halos lahat ng followers ni Jean sa social media sa kanyang mga papuri kay Alden. Narito ang ilan sa mga comments ng netizens.

“So happy for Alden..hindi siya nahihiyang pagsigawan nya na mahal nya ang isang tao like ms @chic2garcia at sobra din shout out nya sa love nya sa #ateam nya..proud na kasama ako dun.”

“Wow! Ang magina! Sabhin mo ng totoo kay Sef na ikaw ang totoong nanay niya para mas enjoy kaming manonood ng The Gift!”

“Ang Ganda ng jean-alden tandem cmula p s ONE TRUE LOVE hanggAng s THE GIFT wla p din kupas, ung connection nla bilang mag ina andun pa din.”

Speaking of The Gift, painit pa rin nang painit ang mga kaganapan sa Kapuso series lalo na ngayong mas tumindi pa ang galit ni Sep (Alden) sa mag-amang Javier (Christian Vasquez) at Jared (Martin del Rosario) na nasa likod nang pagkidnap kay Nanay Straw (Jo Berry). Hanggang saan pa aabot ang kasamaan ng dalawa? Ano ang gagawing aksyon ni Nadia (Jean) para matigil na ang paghihiganti ng asawa sa kanyang anak na si Sep.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending