JC, Bela sa bagong hugot movie: Ito na 'yung pinakamasakit! | Bandera

JC, Bela sa bagong hugot movie: Ito na ‘yung pinakamasakit!

Ervin Santiago |January 19,2020
facebook
share this

JC, Bela sa bagong hugot movie: Ito na ‘yung pinakamasakit!

Ervin Santiago - January 19, 2020 - 12:27 AM

JC SANTOS AT BELA PADILLA

“ITO na ‘yung pinakamasakit!”

‘Yan ang paglalarawan nina JC Santos at Bela Padilla sa ikatlong pelikula nila together, ang walwalan movie na “On Vodka, Beers, and Regrets.”

Muling pinagtambal ng Viva Films ang dalawa dahil na rin sa tagumpay sa takilya ng unang dalawa nilang “heartbreaker” at hugot movie na “100 Tula Para Kay Stella” at “The Day After Valentine’s.”

In fairness, may followers na rin kasi ang Bela-JC tandem na kilala sa pagpapaiyak ng mga manonood pero sabi nga ng dalawang Kapamilya stars, ang  “On Vodka, Beers, and Regrets” na ang pinakamatindi sa lahat na idinirek ni Irene Villamor (na nasa likod din ng Sid and Aya at Ulan).

At dahil gamay na gamay na nila ang isa’t isa, mas madali na raw gawin ang lahat ng kanilang mga eksena sa pelikula.

“Naubos na po ‘yung ilangan namin. Wala na po,” chika ni JC sa ginanap na mediacion ng “On Vodka, Beers, and Regrets.” Dugtong pa niya, “Kumbaga, ang gagawin na lang po namin talaga is i-serve ‘yung script ni Direk Irene. Bukod doon sa script, hahayaan na lang niya kami ni Bela. Umabot na kami doon sa ganoong working level, na kahit wala na kaming script at magkasama kami, basta alam namin ‘yung parameters, game na.”

Sey naman ni Bela, “Ako, siyempre, sana kung puwedeng maya’t maya gumawa ka ng trabaho with friends, it’s always easier. Dahil sobrang komportable niyo sa isa’t isa, makakapaglaro ka nang husto, o iyong dapat black and white lang, nagiging makulay na.”

Sa “On Vodka, Beers, and Regrets” Bela will be playing Jane, an actress recovering from a scandal while JC plays as a musician. Magkukrus ang landas nila sa isang bar habang lasing na lasing hanggang sa ma-in love na sa isa’t isa. Pero biglang magbabago ang lahat nang bumalik ang lalaking una niyang minahal na gagampanan ni Matteo Guidicelli.

Ano ang bagong aabangan ng manonood sa kanilang reunion movie? “Feeling ko, ‘yung tandem namin ni JC, ‘yung sakit niya, parang napapa-tattoo, balik ka nang balik. Alam ko, ganoon ‘yung pain na sini-serve namin palagi.”

Hirit naman ni JC, “Lagi silang nakakaramdam ng sakit, ng hapdi every time nanonood sila ng pelikula namin ni Bela. Ito na. Ito na ‘yung pinakamasakit.”

Showing na ang “On Vodka, Beers, and Regrets” sa Feb. 5

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

* *

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending